^

True Confessions

Kaibigan (43)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Lunch Time. Pinuntahan ni Dex si Lara sa HR at sabay silang kumain sa canteen ng kompanya. Habang kumakain ay ma­raming empleyado ang lihim na sumusulyap sa kanila at para bang ang tanong ay kung kaanu-ano ni Dex ang babaing kasama.

“Maraming sumusulyap sa atin, Lara.’’

“Oo nga. Kanina ko pa napapansin nang pumasok tayo rito sa canteen at maski sa pila ay maraming lihim na nakatingin.’’

‘‘Kasi’y alam nilang binata ako at ngayo’y may kasamang babae.’’

“Baka akala e siyota mo ako.’’

“Baka nga. At siguro ay nagtataka kung bakit pangit ako e may nagkagustong magandang babae.’’

“Sobra ka naman. Hindi ka naman pangit.’’

“Tapusin na natin ang pagkain at hindi ako mapalagay kapag may nakatingin.’’

“Mabuti pa.’’

Tinapos nila ang pagkain at nagbalik sa kani-kanilang opisina.

Alas singko na labasan nila, dina­anan ni Dex si Lara sa HR. Sabay silang nag-out.

Habang naglalakad patungo sa sa­kayan ng dyipni ay masaya silang nag-uusap.

‘‘Kumusta naman ang work mo, Lara?’’

“Okey naman. Mabait din ang mga kasama ko lalo na si Tess.’’

“Mabuti naman.’’

“Masaya ako, Dex—masayang-masaya.’’

“Nakikita ko nga sa ekspresyon mo.’’

‘‘Isang maganda, matutulungan ko na si King sa pagtatrabaho.’’

‘‘Madali kayong makakaipon.’’

Nang dumating sila sa bahay nakapagluto na si King ng hapunan.

‘‘Ang sipag naman ng mister ko,’’ sabi ni Lara.

‘‘Kasi’y naisip ko, pagod kayo sa pagta­trabaho at kailangang may kainin.’’

(Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with