^

True Confessions

Kaibigan (42)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Kailan malalaman kung maha-hire ako, Dex?’’ tanong ni Lara.

“Bukas pagpasok ko, itatanong ko sa kakilala ko sa HR. Kapag sinabi niyang nakapasok na ang papel mo tiyak nang ang kasunod ay interbyu.’’

“Magdadasal ako na matanggap, Dex. Gusto ko na talagang magkatrabaho para may katulong si King.’’

“Malakas ang kutob ko na mata­tanggap ka, Lara.’’

Nagbiro naman si King, “Tumigil na kaya ako sa pagtatrabaho at si Lara na lamang ang magtrabaho,’’ at binuntutan ng tawa.

‘‘Makakaya mo ‘yun na ang asawa mo ang nagtatrabaho tapos ikaw ang narito sa bahay?’’ tanong ni Dex.

“Joke lang. Puwede ko ba namang hayaang itong asawa ko lang ang magtrabaho.’’

“Kapag may trabaho na si Lara, makakaipon na kayo. Tamang-tama na baka magka-anak na kayo. Ka­ilan ba kayo mag-aanak?’’

‘‘Wala pa,’’ sabi ni Lara.

Nang tingnan ni Dex si King ay nakangiti lang ito.

Kinabukasan, pagpasok ni Dex sa opisina ay sa HR agad siya nagpunta para alamin ang application ni Lara. Tamang-tama na palabas ng HR si Tess.

‘‘Kumusta ang application ng kaibigan ko Tess?’’

“Good news! Papuntahin mo siya rito bukas ng umaga for interview. Ako ang hanapin niya.’’

“Salamat Tess. Sasabihin k okay Lara.’’

“Tiyak na pasok na siya, Dex.’’

Kinahapunan, pag-uwi ng bahay, ibinalita niya iyon kay Lara at King. Tuwang-tuwa ang mag-asawa.

Kinabukasan, ininterbyu na si Lara ng ma­nedyer at pasado. Puwede nang mag-umpisa sa trabaho.

Unang araw ni Lara sa trabaho. Excited. Sabay silang papasok ni Dex.

“Tayo na Lara, baka ma-late ka e first day mo sa trabaho.’’

Nagpaalam si Lara kay King.

Umalis na ang dalawa. (Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with