^

True Confessions

Kaibigan (41)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Posibleng ma-hire ka sa kompanya na­min, Lara,’’ sabi ni Dex. Nasa salas sina King at Lara nang dumating siya.

“Talaga?’’

‘‘Meron kasing nag-resign sa HR department at kailangang punan ang kakulangan. Sabi ng kakilala ko sa HR, posibleng ma-hire ka dahil kuwalipikado ka naman. Binasa ang CV mo.’’

“Salamat Dex. Sana matanggap ako para matu­lungan ko si King sa pag­­hahanapbuhay,’’ sabi ni Lara at tumingin kay King. Ngumiti naman si King sa asawa.

‘‘Malakas ang kutob ko na matatanggap ka, Lara.’’

Nagbiro si King.

“Bakit ako hindi mo na­ipasok sa kompanya n’yo tapos itong si Lara e ang bilis mong naipasok?’’

Nagtawa si Dex.

“E walang bakante nung inaaplay kita kaya hindi kita naipasok.’’

“Magtatampo ako sa’yo niyan.’’

“Bilis mo namang magtampo. Hayaan mo at kapag nagkaroon uli ng bakante, ikaw naman ang iaaplay ko.’’

“Uy hindi puwede ang mag-asawa sa iisang kom­panya,’’ sabi ni King.

“Ay oo nga ano. Nasa policy nga pala ng company ‘yun.’’

“Kaya ihanap mo ako sa ibang kompanya, ha-ha-ha!’’

‘‘Sige ihahanap kita para mawala na ang tampo mo.’’

Nagtawanan sila.

Nagseryoso si King.

“Mabuti naman kung maipapasok mo si Lara sa kompanya n’yo— mabuti at magkakasama kayo. Mapapanatag ang loob ko. May kasabay siya sa pagpasok at pag-uwi.’’

Napatingin nang ma­tagal si Dex sa kaibigan. Talagang pinakakatiwalaan siya ni King.

At saka napatingin siya kay Lara. Masaya si Lara sa pagkaalam na magka­katrabaho na. (Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with