^

True Confessions

Kaibigan (40)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni Dex na kung may trabaho si Lara, magiging busy na ito at hindi na sasagi sa isip ang problema sa kanyang mga magulang. Kailangan ay maging abala para ma­limutan ang mga mabibigat na problema.

Pagpasok ni Dex, dala na niya ang personal resume ni Lara at ipapasa niya sa HR department nila.

Bago siya nagtungo sa kanyang opisina, sa HR muna siya nagpunta. Ka­ilangang malaman na agad niya habang maaga kung may hiring.

Kilala na niya at kabatian ang babaing staff sa HR kaya ito ang kanyang kinausap. Madalas niyang biruin ang babae.

‘‘Miss Beautiful meron bang bakante sa kompanya natin. Pakitimbre mo naman sa akin.’’

‘‘Teka Mr. Pogi at titingnan ko,’’ sagot ng babae na ang pangalan ay Tess.

‘‘Maghihintay ako Miss Beautiful.’’

Tiningnan ni Tess sa computer kung may hiring. Makalipas ang isang minuto.

“Mayroon Mr. Pogi. Dito mismo sa department namin may bakanteng isa. Nag-resign kasi ang kasamahan namin. Sino ba yang ipapasok mo? Baka siyota mo ‘yan ha? Di ko tatanggapin.’’

Nagtawa si Dex.

“Kaibigan ko ‘to. Asawa ng best friend ko.’’

“Tingnan ko nga ang CV niya.’’

Binigay ni Dex kay Tess. Binasa ni Tess.

‘‘Okey. Akala ko kasi siyota mo. Magtatampo na sana ako sa’yo. Alam mo namang type kita, he-he!’’

Namula si Dex sa sinabi ni Tess. Birong-totoo kasi.

‘‘Ano tanggap na ba siya, Tess?’’

‘‘Bukas mo malalaman. Pero palagay ko maha-hire ito—mataas kasi pinag-aralan.’’

“Talaga. Sabihin ko sa kaibigan ko na tanggap na siya.’’

“Huwag muna—pero posible.’’

“Okey Tess. Salamat.’’

‘‘Yun lang? Walang kiss?’’

“Saka na.’’

Nagtawa si Dex. Umirap si Tess pero ngumiti rin.

Pag-uwi ni Dex kina­hapunan, sinabi niya kay King at Lara ang tungkol sa trabaho.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with