^

True Confessions

Kaibigan (39)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Napansin ni Dex na mula nang payuhan niya si Lara na kalimutan na nito ang mga problema sa pamilya niya, naging maaliwalas na ang mukha nito. Lagi nang nakangiti. Kapag nakikita niyang nagtatrabaho o gumagawa sa kusina ay kumakanta pa. Malayung-malayo sa ipinakita nito dati na walang kibo at hindi man lang ngumingiti.

Naisip ni Dex na natanggap na siguro ni Lara na kailangang mag-move on siya at ang harapin ay ang kinabukasan nila ni King. Walang makukuha kung patuloy na didibdibin ang ginawa ng kanyang mga magulang na hindi pagtanggap sa kanila ni King.

‘‘Masaya ka na Lara ?’’

‘‘Oo Dex. Salamat sa payo mo. Pati nga si King nanibago sa akin. Sabi ni King, iba na raw ang aura ko, ha-ha-ha !’’

‘‘Ganyan nga. Huwag kang magpaapekto sa problema.’’

‘‘Hindi na, Dex. Hindi ko na uubusin ang oras sa pag-iisip sa wala namang katuturan.’’

‘‘Korek ka diyan.’’

‘‘Gusto ko nga mag-aplay na sa trabaho para maging busy. Para may katulong si King. Baka may hiring sa inyo, Dex.’’

‘‘Sige, itanong ko sa HR namin kung may hiring sila.’’

­(Itutuloy)

DEX

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with