^

True Confessions

Kaibigan (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nakapagsasalita na si King at paunti-unting nagkukuwento ng mga nangyari sa kanya. Nasa tabi niya si Lara.

‘‘Akala ko katapusan ko na. Hindi ko talaga oras,’’ sabi ni King na halatang paos ang boses.

‘‘Ano bang nangyari, King?’’ tanong ni Dex.

‘‘Nag-OT ako. Umalis ako sa opis ng alas onse ng gabi. Sumakay ako ng dyipni sa may Divisoria, biyaheng Recto-Legarda. Ma­rami kaming pasahero. Pero pagdating sa may Avenida, ilan na lang kaming natira. ‘Yung nasa unahan na katabi ng drayber tapos apat sa loob kabilang ako. ‘Yung palang isang nasa loob, holdaper. Pagsapit sa may Morayta, nagdeklara ng holdap. May hawak na kutsilyo. Sabi ng holdaper, ibigay na lang daw ang pitaka at cell phone. ‘Yung dalawa kong kasamang pasahero, ibinigay ang pitaka at cell phone. Ako, hindi ko ibinigay. Nasa isip ko kasi, ito ang mahalaga kong gamit kaya hindi ko ibibigay. Nagalit ang holdaper nang ayaw kong ibigay. Sasak­sakin daw ako. Pero hindi ako natakot, lumaban ako. Sinipa ko. Pero nasaksak pa rin ako ng holdaper. Pero bago ako nawalan ng malay, alam kong nahuli ang holdaper ng mga pulis na nagpapatrol. May narinig akong putok pero hindi ko na alam ang nangyari. Hanggang nag-blackout na ako.’’

‘‘Napatay ang holdaper ng mga pulis. Kababaril lamang nang dumating ako at ikaw ay naisugod na raw dito sa ospital,’’ sabi ni Dex.

‘‘Paano ka napunta roon, Dex?’’

‘‘Talagang pupuntahan­ na kita sa opis mo. Napa­daan ako sa kanto ng Bustillos at Legarda at nakita ko na may pinagkakalumpunan ang mga tao. ‘Yung holdaper nga. Hanggang sa nalaman ko na may nasaksak daw ang holdaper. Ipinagtanong ko kung ano itsura ng holdup victim at nag-match ang description­ sa iyo. Kinabahan na ako. Nagtungo na ako rito sa ospital para tiyakin. At ikaw nga ang biktima—nakita kita sa ER ’’

‘‘Salamat Dex. Tunay kang kaibigan.’’

‘‘Kapag ganun ang sit­wasyon, ibigay mo na. Kasi determinado ang mga holdaper. Buti at hindi ka napuruhan.’’

‘‘Oo nga. Kung nagkataon, biyuda na itong misis ko.’’

Biglang umiyak si Lara.

Nagulat ako sa pag-iyak niya. (Itutuloy)

KAIBIGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user