^

True Confessions

Huling Eba Sa Paraiso (144)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Hindi ako titigil hang­ga’t hindi napagbabayaran ni Mr. C ang mga kasalanan niya, Drew,’’ sabi ni Luke sa matigas na boses. “Ngayong may hawak na akong warrant of arrest, sisi­guruhin kong swak na siya sa kulungan.’’

“Paano kung lumaban? Sabi mo lahat nang tauhan niya ay narito sa Metro Manila para siya proteksiyunan.’’

“Kung hindi siya susunod sa batas at lalaban sa amin, mapipilitan kaming ipag­tanggol ang sarili. Pero ang tinitiyak ko, Drew, hindi na makakahulagpos sa batas si Mr. C. Kumbaga, ibubuhos na namin ang lakas sa taong ito.’’

“Sana magtagumpay ka Luke at mag-ingat kayo sa operation.’’

“Salamat Drew.’’

“Gusto ko lang malaman Luke kung bakit ganito na lamang ang galit mo sa drug lord na si Mr. C. Maski si Tikoy ay nagtataka rin kung bakit tinatrabaho mo nang husto si Mr. C.’’

“Siya ang sumira sa buhay ng bunso kong kapatid, Drew. Nalulong sa shabu ang ka­patid ko. Nasira ang buhay at nagpakamatay. Nang mamatay ang kapatid ko, kasunod namang namatay ang mother ko —inatake sa puso. Hindi nakayanan ang nangyari sa kapatid kong addict. Mula nang mangyari ‘yun, isinumpa ko na lahat ng drug traffickers at pushers, lilipulin ko.’’

Napanganga si Drew. Kaya pala ganun katindi ang pagnanais ni Luke na mahuli si Mr. C—sobra ang galit niya sa drug trafficker.

Nag-uusap si Drew at Luke nang lumapit si Marianne. Ipinakilala ni Drew si Marianne kay Luke.

“Okey ka naman dito, Marianne? Kaunting oras na lang at makakahinga ka na nang maluwag. Malapit nang magwakas ang taong tumampalasan sa’yo.’’

“Salamat Luke.’’

“Mayroon nga pala akong itatanong sa’yo, Marianne. May bigla lang akong na­isip…’’

“Ano yun, Luke?’’

“Bakit ganun na lamang ang pagnanais ni Mr. C na dukutin ka o kaya’y patayin ka? Kasi nakapagtataka ang mga ginagawa niya sa iyo. Mayroon ka bang nalalaman ukol sa kanya para ka patahimikin?’’

“Palagay ko dahil sa shabu—alam ko kung nasaan ang imbakan niya ng shabu, ecstacy, heroine at iba pa. Narinig ko ang usa­pan nila at kanyang mga tauhan.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with