^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (26)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang banggitin­ ng waiter ang ensaladang­ pako, nag-isip si Drew. Pako ang kinukuha ng babae na sinubaybayan niya. Hindi kaya ang pako iniaalok ng waiter ay ang babae ang nagdeliber?

“Masarap ba ‘yang pako?’’

“Opo. Bagay po ang ensaladang pako sa ma­lutong na bagnet.’’

“Sige bigyan mo ako ng ensaladang pako.’’

“Okey Sir. Mga fifteen minutes po.’’

“Sige.’’

Umalis na ang waiter.

Nag-obserba si Drew sa paligid. Umaasa pa rin siya na makikita ang babaing sinusubaybayan niya. Malakas ang kutob niya na narito pa ang babae sa loob.

Pero inisa-isa na niyang tingnan ang mga customer ay wala talaga ang babae. Wala rin sa second floor.

Napagtuunan niya ng pansin ang comfort room ng mga babae sa gawing kaliwa. Baka naman naroon ang babae at nagsi-CR? Inabangan niya ang mga lumalabas na babae. Wala ang babae. Ibig sabihin, wala ang babae sa loob.

Maya-maya, nakita niyang papalapit na ang waiter dala ang kanyang inorder.

Nang ibaba sa mesa ang order, nalanghap niya ang bango ng bagnet. Halatang malutong. Chop-chop na. Nakita niya ang ensaladang pako. Berdeng-berde. May hiwa-hiwang kamatis sa ibabaw.

“Eto na po ang order mo Sir. Kumpleto na. Enjoy your meal po.’’

“Thanks. May itata­nong lang ako ukol sa pako. Saan galing ito?’’

“Ah dinideliber lang po yan dito Sir.’’

“Sinong nagdedeliber?’’

Nag-isip ang waiter.

(Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with