^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (25)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PUMASOK sa loob ng restaurant si Drew para hanapin ang babae. Isang oras na siyang nag­hihintay sa labas pero hindi pa lumalabas ang babae.

Kakaunti lang ang mga kustomer sa loob. Layu-layo pa ang mga custo­mer sa mesa dahil sa social distancing. Ang mga waiter ay naka-face mask.

Pinagala niya ang ti­ngin sa kabuuan ng restaurant. Hinanap kung saan nakaupo ang babae. Wala!

Paano nakalabas ang babae na hindi niya nakita. Halos hindi niya inaalis ang tingin sa restaurant dahil nga baka makalampas sa kanya.

Pinagala muli niya ang tingin sa kabuuan. Wala talaga.

Tumingala siya. Meron pa pala sa second floor. Baka naroon ang babae. Baka nga!

“Sir!’’

Nagulat siya sa pagta­wag sa likuran.

Ang waiter pala.

‘‘Kakain ka ba Sir. Marami pa pong bakanteng mesa.’’

“Ha e oo. Pero puwede bang makita ang second floor n’yo.’’

“Puwede Sir.’’

Tinungo ni Drew ang second floor.

Iilan lang ang nakita niyang customer doon at wala rin ang babae.

Nagbalik siya sa ibaba.

Nilapitan siya ng waiter na nagtanong kanina.

“Kakain ka na Sir?’’

“Oo.’’

“Halika Sir.’’

Sumunod siya sa waiter. Dinala siya sa isang mesa. Naupo siya. Binig­yan siya ng listahan ng menu.

“Ano ba ang specialty n’yo rito?’’

“Marami po.’’

Itinuro ng waiter ang listahan.

“Sige bigyan mo ako ng litsong kawali at isang rice. At saka isang boteng mineral water.’’

“Baka gusto mo pong samahan ng ensaladang pako, Sir. Masarap po ‘yan!’’

Pako? Nag-isip si Drew.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with