^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (20)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Buo na ang pasya ni Drew na sundan ang babae at alamin kung saan ito nakatira. Hindi magkakaroon ng kagana­pan ang mga ginagawa niya kung hindi malalaman ang tirahan ng babae. Alam niyang mali ang kanyang ginagawang panonood sa babae at pagkuha ng video at nga­yon ay pagsubaybay­ dito pero kailangang ma­tapos na ang mga kata­nungan niya ukol sa babae. Kailangang mayroon na siyang malaman sa babae. Hindi siya matatahimik kapag wala pang nangyari nga­yon.

Mabilis na tuma­wid sa sapa si Drew. Hanggang baywang ang tubig. Inilagay niya sa bulsa ng kanyang jacket ang cell phone para hindi mabasa. Napakalamig ng tubig. Ngayon lang niya nalaman na sobra palang lamig ng tubi sa sapa. Kaya siguro bantulot ang babae kanina at pinag-isipan muna bago tuluyang maligo.

Nang makatawid sa sapa, mabilis na sumampa sa pampang si Drew. Ka­­ilangang masundan agad niya ang babae at baka mawala sa paningin niya. Alam niyang mabilis mag­lakad ang babae. Sanay na sanay maglakad sa da­muhan ang babae.

Natanaw niya ang babae. May kalayuan na ang agwat sa kanya. Mabilis talagang maglakad kahit pa may bitbit na talbos ng pako.

Binilisan ni Drew ang paglalakad. Pero nag-iingat siya na baka makahalata ang babae na sinusundan niya. Hindi dapat masira ang plano niya.

Nagpatuloy sa paglalakad ang babae. Nakita ni Drew na pumasok ito sa kakahuyan. Hindi bu­mi­bitaw ang paningin ni Drew sa babae. Kapag nawala ito sa paningin niya, baka hindi na niya makita at balik na naman siya sa simula. Mas ma­hirap mag­ha­nap lalo at sa ganitong kakahu­yan. Parang dinadaya siya ng pa­ningin.

Pero ginantim­palaan siya sa ma­tiyagang pagsu­baybay.

Nasundan niya ang babae at nakita niyang huminto ito sa tapat ng bahay. Bahay na kaya ng babae?

(Itutuloy)

vuukle comment

EBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with