_ngayon
^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (15)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAYA pala pawisan ka, Kuya,’’ sabi ni Tikoy. ‘‘Akala ko dito ka lang sa paligid-ligid pupunta.’’

Hindi na sinabi ni Drew ang kanyang nakita sa sapa. Baka kung ano pa ang isipin ni Tikoy kapag sinabi niyang may nakita siyang babaing naliligo.

“Binisita ko ang tina­nim nating kawayan. Ang bilis palang lumago ng kawayan. Mas mataas pa sa akin ngayon.’’

“Oo Kuya, mabilis talagang lumaki ang kawayan dahil lagi siyang nakakasipsip ng tubig sa sapa. Mga ilang buwan pa at matatakpan na ang sapa.’’

“Bilib na ako sa kawayan sa bilis lumago. At ni isa sa mga tinanim natin ay walang namatay. Naka­ka­tuwang pagmasdan ang hanay sa pampang ng sapa.’’

“Nalibang ka kaya natagalang umuwi. Hahanapin­ na sana kita at baka ka nabulong.’’

“Anong nabulong?’’

“’Yung naligaw dahil sa kagagawan ng tikbalang.’’

Nagtawa si Drew.

“Totoo ba ‘yun? Di ba kuwentong bayan lang yun?’’

“Sabi nila totoo yun Kuya. Pero ako hindi pa ako nakakaranas mailigaw ng tikbalang.’’

“E kung sakali at mailigaw ako ng tikbalang, anong gagawin ko?’’

“Sabi ng mga matatanda na nakausap ko, baliktarin lang ang damit para makita ang tamang daan pabalik.’’

“Ganun lang?’’

“Pagkatapos daw balik­tarin ang damit, maupo sandali at saka magmuni-muni. Kasi ang mga inili­ligaw daw ng tikbalang ay ginugulo ang isipan para hindi makita ang daan pabalik.’’

“Ganun ba? Sige at kapag iniligaw ako ng tik­balang ay ganun ang gagawin ko.’’

‘‘Halika Kuya. Kumain na tayo. Nagluto ako ng adobong manok na Taga­log sa gata.’’

“Aba okey na ulam ‘yan. Halika at gutom na nga ako.’’

 

MAKALIPAS ang ilang araw, pasimpleng nag­tungo muli sa sapa si Drew – sa mismong lugar kung saan niya nakitang nali­ligo ang babae. Nagtataka siya kung bakit gustung-gusto niyang bumalik doon.   

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with