_ngayon
^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (14)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hinabol ng tingin ni Drew ang babae. Mabilis na naglakad makaraang makasampa sa pam­pang at nawala sa pani­ngin ni Drew.

Saglit na ipinako sa pagkakatingkayad si Drew. Wala siyang ibang nasam­bit sa sarili kundi ang pang­hihinayang. Sana ay ma­tagal pang nagbabad ang babae sa sapa para napagmasdan pa niyang ma­buti. Nanghinayang din siya na sana’y nadala niya ang kanyang cell phone para nairekord ang paliligo ng babae.

At ang isa pang pinang­hihinayangan niya, hindi niya nakita ang mukha ng babae. Sa loob ng may kalahating oras yata na panonood niya ay hindi man lang tumingin sa likod ang babae. Parating nakaharap sa kabilang pampang. Kahit pa anong gawin niya kanina, hindi niya makita ang mukha nito. Kahit pata­gilid, hindi niya nabistahan.

Nang inaakala niyang malayo na ang babae ay saka siya dahan-dahang tumayo mula sa pinuwestuhang damuhan. Halos bumakat ang kanyang mga paa sa lupa dahil sa matin­ding pressure ng panonood o pamboboso sa babae.

Naitanong ni Drew sa sarili, ang babae kaya na una niyang nakita na nananalbos ng pako at ang babaing naliligo kanina ay iisa?

Hindi siya sigurado kung iisa ang babaing nakita niya noon at ngayon kasi, hindi niya nakita ang mukha ng babae kanina.

Pilit niyang inaalala ang mukha ng babaing nakita niya noon. Maganda ang babae. Nakadaster din. Halos nagkakapareho ang katawan ng babae noon at ngayon. Baka nga iisa ang babaing iyon! Pero hindi nanalbos ng pako ang babae kanina. Wala ngang dala kahit ano makaraang maligo.

Napabuntunghininga si Drew.

Sayang!

Ipinasya niyang umuwi na. Nakaramdam siya ng gutom. Nang tingnan niya ang kanyang relo: alas dose na ng tanghali. Nalibang siya sa panonood sa babae.

Hinahanap na pala siya ni Tikoy.

“Saan ka nagpunta, Kuya? Kanina pa kita hinahanap para kumain.’’

“Galing ako sa sapa.’’

(Itutuloy)

DREW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with