^

True Confessions

Monay (197)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PARANG kilala na ako ng mga tauhan at kaibigan mo rito, Joem. Ikinuwento mo na siguro sa kanila ang pagbibigay ko sa iyo ng monay nun, ha-ha-ha!’’ sabi ni Monay na halata sa boses ang kasiyahan.

“Oo. Marami na akong napagkuwentuhan dito ng mga ginawa mong kabutihan sa akin nun. Kaya kilala ka na nila. Nun pa, gusto nilang makita kung sino si Monay.’’

“Ngayong nakita na nila ang beauty ko baka nawalan na sila ng gana.’’

“Hindi. Lalo pa nga silang humanga sa pa­lagay ko.’’

‘‘Napansin ko rin na maayos ang samahan sa kompanyang ito, Joem. Tingin ko maaliwalas ang kanilang mga mukha. Malalaki siguro ang pasuweldo mo sa kanila kaya ganun.’’

“Ibinibigay ko ang pangangailangan ng mga empleyado, Monay. Hindi sila humihingi pero ibinibigay ko na. At isa pa, para kaming magkakapa­tid dito, Mo­nay. Ma­ganda ang aming samahan.’’

‘‘Mahusay ka palang bossing, Joem.’’

Maya-maya, du­ma­­ting si Bong, ang pinsan ni Joem na ipinasok niya ng trabaho. Si Bong ay anak ng kanyang Tito Nilo na tumulong sa kanya nun. Ipinakilala ni Joem si Bong kay Monay.

“Monay, si Bong, pinsan ko, IT manager siya rito.’’

Nagkamay ang da­­lawa. Tuwang-tuwa si Bong.

‘‘Ikaw pala si Monay. Ikaw ‘yung may magandang ugali na nagbigay inspi­rasyon kay Joem. Hanga ako sa’yo’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with