^

True Confessions

Monay (194)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi inaasahan ni Joem ang mga sinabi ni Monay. Ma­tagal na raw siyang hinihintay nito pero wala siyang ginagawa. Ang ibig sabihin, mahal siya ni Monay?

Magsasalita na sana siya pero mayroon pang sinabi si Monay na lalong nag­kukumpirma na mahal siya nito. Parang musika sa taynga ang mga sinabi ni Monay.

‘‘Hinihintay kong sa­­bihin mo sa akin na ‘mahal kita Monay’ o kaya’y ‘iniibig kita Monay’ pero wala kang ginagawa. Siguro ay nahihiya ka. Pero sana tinapangan mo. Puwe­deng-puwede mo namang sabihin nung nag-iisa tayo habang nakaupo sa bench ng school. Pero wala kang si­nabi. Kaya nagkahiwalay tayo na wala kang nasabi kahit ano. Kaya naisip ko, siguro ay wala kang na­ra­ramdaman sa akin. Ako lang ang may nararamdaman. Ako lang ang may pagtatangi…ka­kahiya ano. Ako pang babae ang naglahad ng ganito. Sabagay­ bakit ba ako mahihiya? Hindi na uso ang hiya-hiya ngayon…’’ Tu­migil sa pagsasalita si Monay, tumitig kay Joem.

At saka nagtanong.

“Ano masasabi mo Jose Emmanuel? O nahihiya ka pa rin hanggang ngayon? Sabihin mo na bago ako umalis pa-US. Huwag ka nang mahiya dahil matanda na tayo.’’

‘‘Mahal din kita Monay.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with