_ngayon
^

True Confessions

Monay (116)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos mag-selfie, kinunan nang kinunan ng picture ni Joem si Mam Cath. Iba’t ibang anggulo.

“Ang dami mong kuha sa akin, Joem. Bakit ang dami?’’

“Ipo-post ko sa FB para ipagyabang sa mga friends ko. Sasabihin ko na ito ang babaing paka­kasalan ko. Ito ang babaing­ makakasama ko ha­bam­buhay. Mabuti nang may nakaaalam.’’

Natigilan si Mam Cath. Hindi siya makapaniwala na ganito siya ipinagma­malaki ni Joem. Hindi niya akalaing ihahayag na ni Joem ang tungkol sa kanila.

‘‘Ay huwag muna kaya, Joem.’’

“Bakit?’’

‘‘Parang hindi pa ako handa.’’

“Aba talo kita, han­dang-handa na ako.’’

“Huwag muna, Joem.’’

“Ah alam ko na kung bakit ayaw mo muna. Si­guro itatanong mo sa akin kung hindi ba talaga ako nahihiya dahil malaki ang agwat ng edad natin. Siguro, yun na naman ang nasasaisip mo ano?’’

Tumango si Mam Cath.

“Sabi ko na nga ba at ‘yun ang dahilan. Nagpapagulo pa rin sa isip mo ang age gap natin.’’

“Siyempre hindi mo ma­iaalis sa akin ‘yun.’’

‘‘Parang nahihiya kang ilantad ang relasyon natin, ganun?’’

Tumango si Mam Cath.

‘‘Ano naman ang ikahihiya mo kung mas matanda ka. Ang mahalaga, nagma­mahalan tayo. At isa pa pareho tayong single. Walang pananagutan. Malaya tayong gawin ang lahat dahil tayo’y nagmamahalan. Kaya alisin mo ang mga bumagabag sa iyong isip, okey?’’

Yumakap si Mam Cath kay Joem. Mahigpit na ma­higpit.

“Oo Joem.’’

“Ganyan,’’

“Sorry kung nagkakaganito ako.’’

Hinagod ni Joem ang likod ni Mam Cath.

Maya-maya, nagpasya na silang bumalik sa ino­kupang cottage.

KINABUKASAN, ang paliligo sa malinis na dagat ang inatupag nila.

Hindi makapaniwala si Joem nang makitang naka-swimsuit si Mam Cath. Seksi. Hindi niya maalis ang pagkakatingin sa kagandahang nasa harapan.

“Wow! Ang ganda pala ng itinatago mo Cath?’’

“Hindi ba dapat itago na lang, ha-ha-ha!’’ (Itutuloy)

CATH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with