^

True Confessions

COA nakabingwit ulit

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI ikinagulat ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang mga natuklasan ng COA sa pag-audit sa Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) na ang P63 million bilang COVID aid para sa mga mangga­gawa sa asukal ay non-liquidated.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang BWSC ay nasa ilalim ng Department of Labor and Employment.

Ayon kay Antonio Flores, chairperson ng UMA, ito ay dahil sa pangmatagalan na problema ng BWSC sa hindi pagsasampa ng mga kaso laban sa mga nagtatanim ng asukal at miller na nabigo na ipamahagi ang cash bonus funds sa kanilang mga manggagawa mula 1991-2020 at sinabi pa ang pondo ay nasa employers.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naipon na ito sa P422,770,186.77 sa loob ng 30 taon.

Ika nga, sa ilalim ng Sugar Amelioration Act of 1991, ang paglabag dito ay maaaring maparusahan mula P5,000-P20,000 o makulong nang hindi kukulangin sa anim na buwan o higit pa sa 1 taon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Labor secretary at kanyang authorized representative ay maaari ring magsampa ng mga kasong kriminal laban sa offending parties ng nasabing Batas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang dahilan kung bakit hinihiling ng UMA at ng National Federation of Sugar Workers na ang CBF at anumang tulong na nagmumula sa mga pondo ng Social Amelioration Program para sa industriya ng asukal ay direktang ipamahagi sa mga manggagawa mismo at hindi sa pamamagitan ng kanilang mga employer. Tumpak!

“Thirty years of experience has already taught us that you cannot rely on their employers such as planters and millers to distribute these as violators have always gotten away time and again without being penalized for their violations,” sabi ng kuwagong binubukulan.

Ano sa tingin ninyo? Abangan.

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with