_ngayon
^

True Confessions

Monay (72)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MALI yata ang timing ng punta ko rito, Joem, kakahiya sa iyo at dun sa friend mo,’’ sabi ni Bong na nahihiya.

“Wala kang dapat ika­hiya, Bong. Okey lang ‘yun.’’

“Kasi mahalaga lang kaya nagtungo ako rito. Tina­pangan ko na ang hiya.’’

“Ano ba ‘yun, Bong?’’

“Gusto ko sanang magpatulong sa iyo na makapasok sa kompanya n’yo. Kasi alam kong nasa maganda kang kompanya – sa malaking realty firm. Big time ka na Joem.’’

“Hindi naman big time. Teka, paano mo nalaman­ na nasa realty ako? Sinong nakapagsabi sa’yo?’’

“Nabasa ko sa diyaryo­ ang story mo. Aksidente lang kung bakit ko nabasa­. Nag-aaplay ako sa isang kompanya at habang nag­hihintay, nagbabasa ‘yung katabi ko ng diyaryo. Na­sulyapan ko ang retrato mo. Hiniram ko ang diyaryo at nakumpirma ko na ikaw nga ang nasa story. ‘Yun ang dahilan kaya narito ako. Pasensiya ka na at kung kailan lang ako nangangailangan e saka lang nadalaw.’’

“Okey lang. Ako nga rin e hindi ko kayo nadalaw. Kumusta ang nanay mo – si Tita Ana at mga kapatid mo?’’

“Okey naman sila. Si Nanay ay maraming binibiling gamot – diabetic. Kaya nga gusto kong magkatrabaho. Gusto kong makatulong. Ina­asahan lang kasi ni Nanay ay kaunting pension sa SSS.’’

“Sige hayaan mo at titing­nan ko kung ano ang magagawa ko, Bong.’’

“Kahit janitor,. okey na sa akin basta kumikita.’’

“Ano bang natapos mo?’’

“IT.’’

“Sige, Bong. Gagawa ako ng paraan.’’

“Salamat Joem.’’

Bago umalis si Bong, binigyan niya ng pera – limang libo.

“Salamat Joem. Mala­king tulong ito. Matutuwa si Nanay nito.’’

“Sige, Bong. O eto pang pamasahe mo para buo mong maibigay kay Tita Ana ‘yan.’’

“Salamat uli.’’

“Ako nang bahala sa hiling mo. May cell phone ka naman ano? Ibigay mo sa akin ang number mo.’’

Ibinigay ni Bong. At saka masayang umalis. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with