_ngayon
^

True Confessions

Monay (71)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Naputol ang mainit na paghahalikan nina Joem at Trishia nang may tumawag mula sa labas. Isang lalaki ang tumatawag.

Biglang bumitaw ang labi ni Joem sa labi ni Trishia. Wala namang kakibu-kibo si Trishia, pero halatang inis ito.

‘‘Sino kaya ang tumatawag?’’ halos pabulong na sabi ni Joem.

Narinig uli nila ang tawag.

“Joem! Joem! Tao po!’’

“Tingnan mo na nga,’’ sabing tila naiinis ni Trishia.

Humakbang si Joem pa­tungo sa pintuan at tining­nan kung sino ang tumatawag. Saglit niyang minukhaan.

“Joem!’’

“Bong!’’ sabi ni Joem.

Si Bong ang anak ni Tito Nilo. Hindi agad niya namukhaan dahil ilang taon din silang hindi nagkita.

“Halika Bong!’’

Pumasok si Bong.

“Kumusta Bong? Ang guwapo mo ah, hindi kita nakilala.’’

“Ikaw din Joem. Mas gu­wapung-guwapo ka. Yuma­yama ka na kasi ha-ha-ha!’’ sabi ni Bong at saka nakita ang nakaupong si Trishia.

“May bisita ka pala, Joem, babalik na lang ako.’’

“Huwag! Siyanga pala siya si Trishia, kaibigan ko at kaklase ng high school. Journalist ‘yan.’’

“Hi Trishia!’’

Nag-“hi” din si Trishia pero halatang matamlay.

“Maupo ka Bong.’’

Naupo si Bong sa silya na nasa may pinto.

“Teka magluluto muna ako ng fishball para ma-meryenda tayo.’’

Pero tumayo si Trishia.

“Aalis na ako, Joem. May coverage pa ako. Tawagan mo na lang ako.’’

“Mamaya ka na umalis. ‘Di ba paborito mo ang fishball?’’

“Saka na lang. May appointment ako.’’

“Sige ikaw ang bahala. Teka at ihahatid kita sa kanto.’’

“Huwag na,’’ sabi nito at humakbang patungo sa pinto. Tumingin kay Bong at ngumiti nang tipid saka lumabas.

Nang makalabas si Trishia, humi­ngi ng paumanhin si Bong.

“Naistorbo ko yata kayo Joem.’’

“Hindi.’’

“Siyota mo ba ‘yun? Ang ganda ah.’’

“Friend ko ‘yun.’’  (Itutuloy)

MONAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with