_ngayon
^

True Confessions

Monay (69)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI maisip ni Joem kung bakit naiinis si Trishia kapag si Monay ang pinag-uusapan nila. Ilang beses na niyang napansin iyon. Wala naman siyang alam na dapat ikainis si Trishia kay Monay.

Unang-una, alam niyang magkaibigan ang dalawa. Madalas magka­sama ang mga ito noong nasa high school pa sila. Maski nga nang magpunta sa kanila, magkasama ang dalawa.

Baka naman mayro­on silang hindi pinagkau­nawaan. Baka hindi niya alam ay may nangyaring tampuhan sa dalawa. Posible iyon kaya kapag nagbabanggit siya ng tungkol kay Monay ay agad siyang sinusupalpal ni Trishia.

Laging sinasabi sa kanya ni Trishia na huwag nang intindihin pa si Mo-nay. Nag-asawa na raw ito kaya hindi na dapat pang binibigyang pansin. Huwag na rin daw isipin ang mga nangyari noong high school graduation kung saan ay hindi siya pinansin ni Monay.

Nag-isip si Joem ukol sa mga inuugali ni Trishia kay Monay. Hindi rin niya maiwasang isipin kung totoo bang sinabi nito kay Monay ang paghingi niya ng sorry. Ayon kay Trishia, ipinaabot na niya kay Monay ang pagso-sorry. Baka sinabi lang sa kanya iyon ni Trishia para hindi na siya magtanong pa.

Kung anu-ano pa ang naisip ni Joem kay Trishia dahil sa tila ay pagkainis nito kay Trishia.

Naisip niya na baka pinagsungitan si Trishia ng mama ni Monay. Ayon kay Trishia, matapobre ang mama ni Monay. Baka nakatikim ng sermon si Trishia mula sa mama nito. Madalas ding magpunta si Trishia sa bahay nina Monay noon. Posible iyon.

Napabuntunghininga pagkatapos si Joem.

Siguro dapat na nga siyang huwag mag-isip pa ukol kay Monat. At huwag na siyang magbabanggit ukol dito kapag kausap si Trishia. Para maiwasan na ang di nila pagkakaintindihan. Kailangang pakisamahan niya si Trishia dahil may utang na loob din siya rito – isinulat nito ang story niya na naging dahilan para mabasa naman ni Mam Catherine na boss niya.

Para iwas tampuhan, hindi na siya magbabanggit kay Trishia ng may kaugnayan kay Monay. Isasarado na niya ang anumang may kinalaman sa dating kaklase na naging mabait sa kanya.

 

SABADO. Walang pasok si Joem. Dumating si Trishia sa kanyang bahay. Napansin ni Joem ang kaseksihan ni Trishia. Ngayon lang niya iyon napuna. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with