_ngayon
^

True Confessions

Monay (65)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi inaasahan ni Joem ang biglang paglapit ng isang security guard nang lumabas sila sa elevator ni Mam Catherine at inagaw sa kanya ang bitbit na bag. Sa pagkabigla ay agad niyang naibigay ang hawak na bag. Maski si Mam Cathe­rine ay nagulat sa ginawa ng guard pero hindi na lang ito kumibo.

“Mam dadalhin ko na ito sa kotse mo,’’ sabi ng guard.

“Sige.’’

Nagmamadaling umalis ang maepal na guard bitbit ang bag ni Mam Catherine.

Aalis na sana si Joem nang tawagin ni Mam Ca­therine.

“Joem salamat sa pagbitbit mo ng bag ko.’’

‘‘Wala pong anuman Mam,’’ sagot niya at mabilis na lumabas ng building. Nasalubong pa niya ang maepal na guard matapos dalhin nito ang bag sa kotse ni Mam. Nagkatinginan sila ng guard. Si Joem na ang nagbaba ng pani­ngin. Noon pa ay naririnig na niyang maepal at sipsip ang guard.

Nagtungo siya sa hintayan ng dyipni. Kakaunti ang mga pasaherong naghihintay. Alas nuwebe na ng gabi.

Nang may dumaang jeep­ney na kakaunti ang laman, mabilis siyang sumakay.

Habang tumatakbo ang jeepney, naalala ni Joem ang mga sinabi ni Mam Cathe­rine kanina ukol kay Monay.

Sabi ni Mam, baka raw may lihim na pagtingin sa kanya si Monay dahil sa araw-araw nitong pagbibigay ng tinapay. Sabi ni Mam sa kanya kanina, ‘‘Iniiisip ko, bakit kaya sobrang bait sa iyo ni Monay? Hindi kaya may lihim siyang pagtingin sa’yo? Alam mo kasi sa high school, diyan nagsisimula ang mga pagkagusto. Mga ligaw-tingin. Maski nga ako, may crush nung high school kaya lang ay bigla ring nawala. Aywan ko ba.’’

Napangiti si Joem sa mga sinabi ni Mam Catherine. Baka raw may lihim na pagtingin sa kanya si Monay kaya ganun na lamang ito kabait sa kanya. Araw-araw nga naman kung bigyan siya ng monay.

Nag-isip si Joem, imposible siguro na may gusto sa kanya si Monay. Mabait lang talaga si Monay. Mabuti itong kaibigan.

Natutuwa si Joem kay Mam Catherine. Pati ang tungkol kay Monay ay mabilis na nagawan ng kuwento, ha-ha-ha! Baka raw may gusto sa kanya si Monay. Imposible talaga dahil baka mapagalitan si Monay ng mama nito. Napagalitan na nga dahil nalaman na araw-araw siyang binibigyan ng monay. (Itutuloy)

JOEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with