_ngayon
^

True Confessions

Monay (65)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘OPO Mam. Marami pong backlog. Sabi ng supervisor namin kaila­ngang mabawasan ang load bago matapos ang second quarter,’’ sagot ni Joem kay Mam Catherine habang naglalakad sila sa lobby patungo sa elevator.

“Ikaw lang ang nag-OT sa department n’yo ?’’

“Tatlo po kami. Nauna nang umuwi ang dalawa dahil malayo pa ang inuuwian.’’

“Siyanga pala Joem, bigla kong naalala ang story mo sa newspaper. Hindi ko talaga malimutan ang makulay mong buhay. Para akong plaka na uulitin muli na humahanga ako sa’yo. Hindi ko malimutan ang pinagdaanan mo.’’

“Salamat po uli Mam. Isa pong malaking karangalan na makatanggap ng papuri mula sa iyo. Hindi ko rin po malilimutan ang mga magaganda mong sinabi.’’

“Bihira lang akong pumuri sa isang tao. At kahit na nasabi ko na ang papuri, uulitin ko muli, ganun ako.’’

Ngumiti lamang si Joem. Ibang klase pala talaga si Mam Catherine, naisip niya.

‘‘Siya nga pala, nasabi mo ba sa writer ng story mo ‘yung tungkol dun sa sinasabi mong si Monay na nagbigay sa iyo ng tinapay araw-araw? Tell her na na­ikuwento mo sa akin ang tungkol kay Monay at suhestiyon na sana ay nabanggit ito sa kuwento.’’

‘‘Hindi ko pa po Mam nakakausap si Trishia. Hayaan mo Mam at isang araw tatawagan ko siya at sasabihin ang tungkol kay Monay.’’

‘‘Sabihin mo kung magkakaroon ng part 2 ang story e isama na ang tungkol kay Monay. Ang ganda kasi. Humahanga rin ako sa class­mate mong ‘yun, Joem. Pero sabi mo nag-asawa na siya sa U.S.’’

‘‘Opo Mam.’’

‘‘Iniisip ko, bakit kaya sobrang bait sa iyo ni Monay? Hindi kaya may lihim siyang pagtingin sa’yo? Alam mo kasi sa high school, diyan nagsisimula ang mga pagkagusto. Mga ligaw-tingin. Maski nga ako, may crush nung high school kaya lang ay bigla ring nawala. Aywan ko ba,” sabi ni Mam Catherine at bahagyang tumawa.

Malapit na sila sa elevator.

Si Joem ang pumindot sa elevator. Bumukas ang elevator. Pinauna niyang pumasok si Mam Catherine.

“Sure ka na walang lihim na pagtingin sa iyo si Monay, Joem?’’

“Hindi ko po alam Mam,’’ sabing nakangiti ni Joem.

“Pero nakakatuwang alalahanin ang mga nangyari noong high school ano?’’

“Oo nga po Mam.’’

Dumating na sila sa ground floor. Bumukas ang elevator. Unang lumabas si Mam Catherine.  (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with