_ngayon
^

True Confessions

Monay (64)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Pero nakakahanga talaga ang ginawa mo, Pards. Kung ako siguro, hindi ko magagawa yun. Madali akong sumuko,’’ sabi ni Mark makaraang kumain ng fishball.
“E paano naman maykaya kayo. Ang makakagawa lang ng ganun ay mga mahihirap na kagaya ko.’’
“Kaya talagang hahanga sa’yo si Mam Catherine. Akalain mo, ipinatawag ka pa para lang batiin. May-ari ng kompanya, ipinatawag ang kanyang empleyado. Bigatin ka Pards.’’
‘‘Hindi naman. Talaga lang sigurong malapit siya sa mga taong nagsikap para makatakas sa kahirapan.’’
‘‘Kung matipuhan ka ni Mam, anong gagawin mo?’’ tanong ni Mark.
“Imposible yan, Pards.’’
“Anong imposible? Wa­lang imposible. Dalaga si Mam – matandang dalaga nga lang at ikaw naman ay binata, so walang masama.’’
“Mahirap sagutin yan.’’
“Kung ako ang matitipuhan ni Mam, sasagpangin ko agad. Pagkakataon na! Hindi ako magdadalawang-isip,’’ sabi ni Mark at huma­lakhak.
“Puro ka kalokohan, Pards.’’

ISANG gabi, pauwi na si Joem. Nag-overtime siya. Nakita niya si Mam Catherine na palabas ng opis nito. Maraming bitbit. Nilapitan niya.
“Ako na ang magdadala niyan Mam,” sabi niya at kinuha ang mga bitbit.
“Salamat Joem. Nag-OT ka rin pala.’’ (Itutuloy)

MONAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with