_ngayon
^

True Confessions

Monay (63)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Linggo ng hapon, dumating si Mark sa bahay ni Joem.

“Akala ko nagbibiro ka lang nang sabihin mong pupunta ka rito, Pards. Kanina pa kasi kita hinihintay.’’

“Naglaba pa ako, ha-ha-ha!’’

‘‘Mabuti nakita mo agad itong bahay ko.’’

“Madali lang namang hanapin. At saka kilala ka pala talaga rito.’’

“Nagpi-fishball kasi ako kaya maraming nakaka-kilala sa akin.’’

“Sikat ka pala talaga rito, Pards.’’

“Hindi naman gaano.’’

“Siyanga pala nabasa ko na ang story mo sa diyaryo. Ang kulay pala talaga ng buhay mo Pards. Hindi kataka-taka na purihin at hangaan ka ni Mam Catherine.’’

“Mabait pala si Mam ano?’’

‘‘Ow? Mabait?’’

“Oo. At saka kung magsalita siya ay marahan na marahan.’’

“Hindi ko pa kasi siya na­ririnig magsalita, Pards.’’

“Mahinahon siyang magsalita, Pards. Bagay na bagay sa personalidad niya ang timbre ng boses.’’

“Hangang-hanga ka na sa kanya ngayon ha, Pards.’’

‘‘Nababaitan kasi ako. Parang iba ang dating niya.’’

“Aba masama na ‘yan. Yang paghanga raw ay may kakambal na pag-ibig.’’

“At saka ang napansin ko Pards, maganda pala siya sa malapitan.’’

‘‘Natitigan mo siya nang todo? Aba mukhang tina-maan ka.’’

“Siyempre matititigan ko dahil malapit ako sa kanya. Nakaupo ako sa silya sa harap ng table niya.’’

‘‘Wala namang masama kung ligawan mo siya, Pards.’’

Nagtawa si Joem.

“Parang naninindig ang balahibo ko sa sinabi mo, Mark. Parang langit at lupa ang pinagsasalpok mo. Parang imposible.’’

“Walang imposible Pards. Lahat nang sinasabi natin na imposibleng mangyari ay nangyayari. Walang imposible Pards. Puwedeng mangyari ang sinabi ko.’’

“Teka at magluluto ako   ng FB at baka nagugutom ka na. Kung anu-ano na kasi ang sinasabi mo.’’

“Sige mabuti pa magluto  ka na at nagugutom na nga ako. Gusto ko nang matik-    man ang FB mo at ang sinasabi mong masarap na sawsawan.’’

“Sige wait ka lang, Pards. Sandali lang ito.’’

Nagluto si Joem ng FB.

Habang nakasalang ang FB, nagtimpla siya ng mga sawsawan. Tatlong sawsawan ang inihanda niya: spicy suka, anghang-tamis sauce at sweet-asim sauce.

Nang maluto ang FB, inihain agad niya kay Mark na may kasamang stick na panusok.

“Kain na Pards. Dahan lang at mainit.’’

Tumusok si Mark. Isi­naw­saw sa spicy suka at saka inilubog sa anghang-tamis. Isinubo.

“Woooo! Ang sarap, Pards!’’ sabi at saka tumusok muli.

Nanonood lang si Joem sa pagkain ni Mark. Nasisiyahan siya. (Itutuloy)

JOEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with