_ngayon
^

True Confessions

Monay (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Kinabahan ako kanina nang ipatawag ni Mam Catherine. Akala ko may nagawa akong mali sa trabaho. Marami kasi akong inoobertaym na trabaho ng mga nakaraang araw. Ang iniisip ko, nasingitan ako ng mali,’’ sabi ni Joem na hindi pa rin maitago ang nadamang pagkabigla sa nangyari. “’Yun pala sasabihin lang sa akin na nabasa niya ang story ko sa diyaryo. Hindi ko talaga akalain. Pinakaba ako, Mark.’’

“Ano bang nilalaman ng story mo sa diyaryo?’’

“’Yun ngang mga pinag­daanan ko bago nakatapos ng pag-aaral. ‘Di ba nasabi ko na sa’yo na nagtinda ako ng fishball.’’

“Wala kang kinukuwento sa akin Pards. May nabanggit ka pero hindi ‘yung tungkol sa pagtitinda ng FB. Ang natatandaan kong sinabi mo e ulila ka nang lubos.’’

“Wala ba akong nabanggit?’’

“Wala. Kaya dapat mabasa ko ang nasa diyaryo para ganap kong maintindihan kung bakit ganun na lamang ang pagpuri sa iyo ni Mam Cathe­rine.’’

“Mamaya bibili ako ng diyaryo. Gusto ko ring mabasa ang article.’’

“Ano pa ang sinabi sa iyo ni Mam?’’

‘‘Nakakahanga raw ang ka­tulad ko. Alam mo habang pinupuri niya ako, nakatitig siya nang sobra sa akin na para bang nagtatagos sa buong ka­tawan ko.’’

Tumawa nang mahina si Mark.

Magsasalita sana ito pero sinansala ni Joem.

‘‘Oopss, huwag kang magsasalita at nahuhulaan ko na ang sasabihin mo. Malikot ang ima­hinasyon mo Pards.’’

Nagtawa na lamang si Mark.

‘‘Sige, hindi na muna ako magsasalita. Saka na lang kapag nasa labas na tayo.’’

‘‘’Yan ang gusto ko sa’yo, Pards.’’

“Pero talagang sanay kang mag-FB, Joem?’’

“Facebook?’’

“Fishball!’’

Nagtawa si Joem.

“Oo naman. ‘Yun nga ang bumuhay sa akin. Kung hindi dahil sa FB, baka hindi ako nakarating sa ganitong kalagayan. Malaki ang naitulong sa akin ng pagpi-fishball.’’

‘‘Marunong ka pang mag­luto ng FB ngayon?’’

“Oo naman. Hindi lang pagluluto ng FB kundi pati sawsawan nito.’’

“Talaga?’’

“Oo. Ang nagpapasarap sa FB ay ang sauce o sawsawan.’’

‘‘Maganda yata ay mabi­sita kita sa inyo para matikman ang masarap mong FB.’’

“Oo. Sige punta ka sa bahay sa Linggo.’’

“Dun na tayo magkuwen­tuhan nang todo.’’

“Sige Pards.’’ (Itutuloy)

MONAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with