^

True Confessions

Monay (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Oo Joem, last month nagkausap kami ni Monay. Nasa LA siya,’’ sabi ni Trishia.

‘‘Nasabi mo ba sa kanya ‘yung ipinaabot kong pagso-sorry? Anong sabi niya?’’

‘‘Oo nasabi ko. Wala na­man siyang gaanong reaksiyon dun. Siguro nalimutan na na niya ang pang­yayaring ‘yun. Di ba sabi ko sa’yo nun huwag mo nang isipin yun.’’

‘‘E kinumusta ba niya ako? Wala ba siyang sinabi ukol sa akin?’’

‘‘Wala naman. Maikli lang kasi ang pag-uusap namin.’’

‘‘Ano pa ang balita sa kanya, Trish?’’

‘‘May asawa na si Monay, Joem. Sundalo ang napangasawa niya at nakadeploy yata sa Afghanistan.’’

Hindi nakapagsalita si Joem. Hindi niya inaasahan ang balita kay Monay.

“O bakit bigla kang natahimik Joem?’’

“Nabigla kasi ako na nag-asawa na pala si Monay.’’

“Bakit ka naman nabig­la?’’

‘‘Wala lang.’’

‘‘O siya tama na ang usap natin ukol kay Monay. Etong isusulat ko tungkol sa iyo ang mahalaga. Kuwentuhan mo pa nga ako ng mga makukulay mong karanasan. Magandang materyal ang story mo.’’

“Lahat ba ng mga nangyari sa akin?’’

“Oo.’’

“Kailangan mo na nga-yon?’’

“Bukas.’’

“Isusulat ko at i-email ko sa iyo mamayang gabi. Mahaba kasi kung ikukuwento ko.’’

“Okey. Ang bait mo Joem. Pero meron pa akong kaila-ngan. Mahalaga ‘yun.’’

‘‘Ano?’’

‘‘Kailangan kong kunan ng picture ang fishball cart mo at ang mga ginagamit mo sa pagtitinda.’’

“E di kukunan ko ang cart at ipadadala ko sa’yo.’’

“Ayoko, gusto ko, ako mismo ang kukuha. Puwede bang pumunta sa inyo sa isang araw. At saka baka type mo akong ipagluto ng fishball. Miss ko na ang fish ball mo. Alam ko pa naman ang sa inyo, Joem.’’

‘‘Walang problema.  Pero kuwentuhan mo uli ako ukol kay Monay.’’

“Sige.’’

Isang araw, dumating si Trishia sa bahay ni Joem para kunan ng picture ang fishball cart. Gagamitin ang photos sa story ni Joem.

(Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with