^

True Confessions

Monay (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagulat si Joem nang mabasa sa broadsheet ang byline ni Trishia Jovellano. Naging mamamahayag pala ang classmate niyang si Trishia. Nang huli silang magkita ni Trishia ay noong malapit na silang magtapos ng kolehiyo. Nagkita sila sa Jollibee at inilibre pa siya. Sabi ni Trishia, gusto niyang maging TV reporter kaya Masscom ang kinuhang kurso.

Bakit kaya nasa diyaryo siya ngayon?

Baka mas malaki ang pasahod sa diyaryo kaysa sa TV?

Biglang naisip ni Joem, nagkaroon na kaya ng komunikasyon si Trishia at Monay. Si­nabi niya noon kay Tri­shia na in-case magka­usap sila ni Monay, iku­musta siya at ipaabot ang paghingi ng sorry. Hindi niya malimutan na kaya pala hindi siya pinansin ni Monay noong gradua­tion nila ng high school ay dahil nabuking ng mama nito na kaya nagdadala ng monay ay para ibigay sa kanya. Akala ng mama ni Monay ay “mag-ano” o magsiyota sila ni Monay.

Hinanap ni Joem ang number ng telepono ng newspaper na pinagta­tra­bahuhan ni Trishia. Kuku­mustahin niya ito.

Nakontak agad niya si Trishia.

“Joem, kumusta? Alam mo talagang hinahanap na kita noon pa. Kaya lang hindi ko alam kung saan ka kokontakin. Nalimutan ko naman kung saan ka nakatira.”

“Bakit Trishia? Dahil ba kay Monay?’’

“Hindi. Balak kong isulat ang story mo sa Lifestyle Section ng newspaper namin. Natatandaan mo ang sinabi ko noon na kapag nagtrabaho ako sa diyaryo isusulat ko ang makulay na buhay mo. Mula sa pagi­ging fishball vendor ay na­katapos ng kolehiyo. At siguro, maganda na ang job mo ngayon ano?’’

“Oo, Trishia.’’

“Isusulat kita, puwede?’’

“Sure. Pero may ba­lita ka ba kay Monay? Nagkausap na ba kayo?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with