^

True Confessions

Monay (31)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang mag-alas tres ng hapon, nagpaalam na sina Monay at Trishia.

“Joem aalis na kami. Pero puwedeng bumalik para makakain uli ng fishball mo na masarap ang sawsawan?’’ sabi ni Monay na nakatawa.

“Oo balik kayo!’’

“Joke lang! Kapag bumalik kami rito, wala ka nang kikitain. E halos maubos namin ang isang kilo, ha-ha-ha! Di ba Trish?’’

‘‘Oo ang sarap ng fishball mo Joem. Ambango! Di ba ‘yung iba maangot.’’

“Nagtawa si Joem.

“Luma na siguro ‘yun. Etong tinitinda ko laging bago.’’

“Kaya masarap,” sabi ni Monay. ‘‘At ang sawsawan, grabe! Pu­wedeng higupin. Saan ka natutong gumawa ng sawsawan, Joem?’’

‘‘Kay Mama.’’

“Turuan mo ako ha?’’

“Sige. Basta ikaw Monay.’’

“Ituloy mo na ang ginagawa mo Joem. Salamat. Ingat ka sa pagtitinda mo,’’ sabi ni Monay at umalis na sila ni Trishia.

Itinuloy ni Joem ang paggawa ng sawsawan. Na-inspire siya sa papuri nina Monay sa masarap na sawsawan.

Nang makagawa ng sawsawan, inihanda na ni Joem ang mga gamit sa pagtitinda. Ilang sandali pa at nasa kalsada na uli siya. Sa tapat ng isang ginagawang building siya pumuwesto. Eksakto na breaktime ng mga manggagawa kaya ang fishball niya ang pinutakte.

Nang gumabi, sa isang bus station siya tumambay. Tamang-tama na nagdatingan ang pasahero. Tiba-tiba na naman siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with