_ngayon
^

Monay (30)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

‘‘MAUPO kayo,” sabi ni Joem nang maka­pasok sina Monay.

Naupo sa sopa sina Monay.

“Ito pala ang sa inyo, Joem.’’

“Oo. Buti nakarating kayo rito sa amin.’’

“May pinuntahan kami ni Trishia diyan sa malapit dito e natandaan ko na sabi mo malapit na kayo sa may riles ng tren. Nagtanong kami. Kilala ka pala rito.’’

“Oo. Kasi ang mama ko maraming ipinaglalaba kaya alam ang aming bahay.’’

“Ah.’’

Nagmasid-masid si Monay sa bahay. Nakita sa mesa ang ginagawa ni Joem na sawsawan ng fishball.

“Ituloy mo na ang ginagawa mo Joem at aalis na kami. Alam ko busy ka. Magtitinda ka pa.’’

“Sandali, ipagluluto ko kayo ng fishball.’’

“Huwag na. Mababa­wasan pa ang kikitain mo.’’

“Hindi! Sandali lang ito. Para matikman ni Trishia ang sawsawan kong ginawa.’’

“Sige mapilit ka e. Pati­ngin nga kung paano ka mag­luto ng fishball.’’

“Madali lang.’’

Pinanood ng dalawa ang pagluluto ni Joem ng fishball. Inilagay nito ang fishball sa kumukulong mantika. Hinalo. Maya-maya lang bahagya nang namula ang fish ball. Luto na. Pinatay ang kalan.

Sinagap ni Joem ang mga luto nang fishball at inilagay sa salaang aluminyo.

Dinala iyon sa mesa. Ku­muha siya ng dalawang bar­be­que­­ stick at ibinigay kina Monay at Trishia at saka nagsalin ng sauce sa malaking tasa. Isang matamis at isang maanghang na sauce. Mayroon ding fla­voured vinegar.

“Kumain na kayo, Monay.’’

Tumusok sina Monay at Trishia ng fishball.

“Daha-dahan at mainit,’’ sabi ni Joem.

Isinawsaw ni Monay ang tinusok na fishball sa matamis na sauce. Isinubo. Nginuya.

“Hmmmm ang sarap, Joem!’’

“Subukan mo itong spicy na sauce.’’

Tumusok si Monay at saka sinawsaw sa spicy sauce. Isunubo. Dahan-dahang nginuya dahil mainit.

“Mas masarap ito, Joem!’’

Ganundin ang sinabi ni Trishia.

“Sige kain pa kayo!’’

“Baka malugi ka Joem,’’ sabi ni Monay.

‘‘Hindi! Kain lang kayo.’’

Tumusok pa ng fishball si Monay. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with