_ngayon
^

Monay (29)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

SI Joem mismo ang gu­mawa ng sariling fishball cart. Naiaplay niya ang natutuhan sa practical arts subject nila. Mayroon siyang naitabing reta-retasong palo-tsina at dos por dos na kahoy. Bumili siya sa junkshop ng tatlong gulong ng bike ng mga bata. Bumili siya ng pako. Nanghiram ng lagari at martilyo at makalipas ang ilang oras, mayroon na siyang cart.

Kinahapunan, nakapagtinda na siya ng fishball. Dinumog ang fishball niya. Hindi na siya nakalayo pa sapagkat sa kanilang kalye pa lang, naubos na ang tinda niya. Hula niya, dahil sa ma­sarap na sawsawan na gi­nawa niya kaya naubos agad ang fishball.

Kinagabihan, binilang niya ang napagbentahan. Malaki ang kinita niya. Sobra-sobra pa niyang nabawi ang nagastos. Naidalangin niyang sana ay malaki rin ang kitain niya kinabukasan.

Maingat niyang itinago ang kinita at pagkatapos ay ang pag-aaral ng lesson ang inatupag niya. Marami siyang dapat pag-aralan dahil sa ilang linggong pag-absent. Mabuti na lang at pinahiram sa kanya ni Monay ang mga notes nito.

Talagang malaki ang utang na loob niya kay Monay. Kung may tao na dapat niyang pa­­salamatan nang labis, iyon ay si Monay. Ganundin naman si Tito Nilo niya na handa siyang kupkupin pero tumanggi siya.

Bigla niyang naalala si Tito Nilo. Bakit kaya hindi siya dinadalaw nito? Sabi ay dadalawin siya?

Baka maraming trabaho sa talyer. Masipag kasi si Tito Nilo. Sabi nga nito sa kanya, kailangang doblehin ang pagsisikap dahil maraming pinag-aaral.

Siguro magugulat si Tito Nilo kapag nalaman na nagpi-fishball siya.

 

ABALANG-ABALA si Joem sa paggawa ng sauce ng fishball nang hapong iyon nang may tumawag mula sa labas.

Nang tingnan niya kung sino, si Monay at ang isa pang kaklaseng babae.

“Nakita rin namin ang tirahan mo!’’ sabi ni Monay na nagtatawa. Naka-uniporme sina Monay at halatang galing sa school.

“Halikayo dito. Pasensiya na at maraming kalat.’’

Pumasok sina Monay at kasama. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with