^

True Confessions

Monay (24)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Maayos na nakatiklop ang pera at nakasilid sa puting sobre. Binilang ni Joem. Limang libong piso! Gaano kaya katagal inipon ng kanyang mama ang pera? Kinita sa paglalabada.

Naisip ni Joem, baka ang perang ito ang isa sa pinag-awayan ng kanyang mama at demonyong si Mauro. Baka nalaman na may itinatagong pera ang kanyang mama at nang ayaw ibigay ay binugbog. Ganun lagi ang ginagawa ng demonyong si Mauro sa kanyang mama.

Naisip din ni Joem na maaaring handa na siyang puntahan ng kanyang mama at dadalhan ng pera pero natunugan ng demonyo at binugbog ito.

Posible ang kanyang mga naisip.

Itinago ni Joem ang pera, mayroon na siyang magagamit para sa kan­yang pamumuhay nang nag-iisa. Kailangang makaisip siya nang mapagkakakitaan para mabuhay. Gagamitin niya ang iniwang pera ng kan­yang mama. Paiikutin niya para hindi ito maubos. Na­alala niya na maraming uma­senso ang buhay dahil ginamit nang tama ang ka­un­ting puhunan. Nasa tamang pag­paplano at paggastos ang lahat.

Hanggang maisip niya ang kanyang pag-aaral. Ipagpatuloy pa kaya niya? Ilang buwan na lamang at graduation na nila.

Saka naalala niya si Monay. Tiyak na hinihintay siya nito. Nangako siya na itutuloy ang pag-aaral. Paano pa siya makakapagpatuloy ngayon kung ganito ang kanyang buhay? Ulilang lubos na.

Siguro naman mauunawaan siya ni Monay.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang may ma­rinig siyang katok sa pinto kasunod ang tawag.

“Joem! Joem!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

JOEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with