_ngayon
^

Monay (23)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2021 - 12:00am

‘SIGURADO ka na kaya mo nang mag-isa, Joem?’’ tanong ni Tito Nilo na nasa mukha ang pag-aalala sa desisyon ni Joem na mamuhay mag-isa.

“Kaya ko na pong  mag-isa, Tito Nilo. Wala ka pong dapat ipag-alala sa akin. Wala na rin po akong dapat katakutan dahil patay na ang de-monyong si Mauro.’’

“Siyanga pala, paano ang pag-aaral mo? Di ba malapit na ang graduation n’yo ?’’

‘‘Opo. Sisikapin ko pong matapos Tito Nilo.’’

“Tama ‘yun. Tapusin mo. Mahirap na hindi ka makakatapos.’’

“Opo. Salamat po sa paalala, Tito Nilo.’’

‘‘Dadalawin na lamang kita. Baka minsan isang linggo ay pupuntahan kita.’’

‘‘Salamat po.’’

Bago umalis si Tito Nilo, binigyan siya ng pera.

“Pasensiya ka na diyan, Joem. Kapag nakaluwag-luwag ako e bibigyan kita.’’

‘‘Salamat po. Hindi ko malilimutan ang kabutihan mo, Tito Nilo.’’

‘‘Aalis na ako. Mag-ingat ka, Joem.’’

‘‘Opo.’’

Nang makaalis si Tito Nilo, saka nakadama ng lungkot si Joem. Tahimik na tahimik. Ganito pala ang nag-iisa sa buhay.

Pero kailangang matuto siyang mabuhay na mag-isa. Kailangang mabuhay siya na hindi aasa sa iba. Tatayo siya sa sariling mga paa. Gusto niyang maabot ang pangarap sa pamamagitan ng pagsisikap.

Kinabukasan, maagang gumising si Joem. Naglinis siya ng buong bahay. Gusto niya ay malinis na malinis. Inalis niyang lahat ang mga gamit ng demonyong si Mauro. Lahat nang mga bagay na makapagpapa-alala rito ay inilagay niya sa garbage bag. Mamaya pagdaan ng trak ng basura, itatapon niya.

Nang halungkatin niya ang mga gamit ng kanyang ina, nagulat siya sa nakita.

Hindi niya akalain na may itinatagong pera ang kanyang mama. Nasa pinakailalim ng mga damit nito. Siguro’y para hindi makita ng demonyong si Mauro. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with