_ngayon
^

Monay (14)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2021 - 12:00am

“SIGE, magkuwentuhan kayo ng mga pinsan mo. Papasok na ako sa trabaho. Doon ka matutulog sa kuwarto nina Bong, Jing at Dex. Magsiksikan na kayo roon.’’

“Opo Tito Nilo. E si Tita Ana po nasaan?’’

‘‘Nasa palengke. Para-ting na yun. Kayo na ang bahala dito.’’

“Opo Tito.’’

Umalis na ang Tito Nilo niya. Alam niya sa talyer ito nagtatrabaho. Kahit hindi pinsang buo ng kanyang mama si Tito Nilo, closed na closed ang mga ito. Sabi ng kanyang mama, talagang mabait daw si Tito Nilo. Parang kapatid na ang turingan nila. Wala nang kapatid ang kanyang mama. Ang nag-iisang kapatid nitong matandang dalaga ay namatay na ilang taon na ang nakararaan.

Inasikaso si Joem ng kanyang mga pinsan. Si Bong na panganay sa mag­­kapatid ay matanda sa kan­ya ng isang taon. Sumunod dito si Jing at Dex.
‘‘Halika Joem sa kuwarto. Dalhin mo ‘yang backpack mo,’’ yaya ni Bong.

Nagtungo sila sa kuwarto.

“Dito tayo matutulog sa sahig may kutson naman manipis nga lang. Tabi-tabi tayo. Okey lang sa’yo?’’ tanong ni Bong.

“Oo. Kahit saan puwede akong matulog.’’

“Sa inyo ba may sarili kang kama?’’

“Wala. Folding bed.’’

“Narinig ko kanina nag-away kayo ng step father mo. Totoo bang pinalo mo ng bote sa ulo?’’

“Oo. Sobra na kasi. Laging binubugbog ang mama ko.’’

“Mabuti hindi ka natakot nang hampasin mo ng bote?’’

“Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa. Basta nadampot ko ang bote sa may pinto at sinugod ko ang demonyo. Pinalo ko! Dalawang beses!’’

“Ang tapang mo.’’

“Hindi ko kasi matiis na nakikitang sinasaktan si Mama.’’

Nakatingin lang si Bong kay Joem. Parang huma-hanga.

‘‘Anong year mo na nga pala sa high school, Joem?’’

‘‘Fourth year.’’

“Parehas pala tayo – graduating.’’

Tumango lang si Joem. Sa kanyang isip, hindi niya sigurado kung makaka-gra-duate siya dahil sa nangya-ring kaguluhan sa kanilang bahay.

 

KINABUKASAN, nagpaalam si Joem kay Tito Nilo. Pupunta siya sa school para kausapin ang kanyang adviser at gusto rin niyang makausap si Monay.

Eksaktong pagdating niya sa school, nakita niya sa may gate si Monay.

Ikinuwento niya rito ang mga nangyari. Sinabi rin niya ang balak na huminto na muna sa pag-aaral.  

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with