_ngayon
^

Ang Babae sa Silong (130)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

NAKUHA ni Dado ang nasa bulsa ng kanyang pantalon. Isang kahita. Bi­nuksan sa harap ni Gab. Isang singsing na may na­kapalibot na batong kumikinang. Halatang mamahalin ang singsing.

“Tanggapin mo Gab ang singsing na simbolo ng pagmamahal ko sa’yo. Kahit kailan hindi magbabago ang pagmamahal ko sa’yo. Gusto ko ring marinig kung pakakasal ka sa akin.’’

Parang tuod si Gab na walang kakilus-kilos sa kina­tatayuan. Nakatingin lamang kay Dado.

Nagsalita si Ino.

‘‘Bayaw pahiram ng cell phone mo at kukunan ko ang kakaibang pangyaya­ring ito. Magandang may picture kayong dalawa.’’

“Salamat Ino,’’ at dinukot  ni Dado ang cell phone sa bulsa at iniabot kay Ino.

Walang sinayang si Ino at agad kinunan ang aktong pag-aabot ni Dado ng sing­sing kay Gab.

“Pakakasal ka ba sa akin, Gab?’’ tanong muli ni Dado.

‘‘Oo naman Dads!’’

“Tanggapin mo ang sing­sing na ito kung totoong handa kang pakasal sa akin.’’

Maluha-luhang tinanggap ni Gab ang singsing. Pinagmasdan iyon.

Panay ang kuha ni Ino. Iba’t ibang anggulo.

‘‘Isukat mo, Gab,’’ sabi ni Dado.

Isinukat ni Gab.

Kasyang-kasya. Parang isinukat.

Kinunan ni Ino ang tagpong iyon. Marami siyang kuha habang suot ni Gab ang singsing.

Hinalikan ni Dado si Gab. Kinunan ni Ino ang paghalik.

‘‘Tuloy na ang kasalan, Bayaw, Ate!’’ sabi ni Ino na masayang-masaya.

“Oo Ino. Tuloy na. Pag-uusapan na namin kung kailan gagawin ang aming kasal. Pero ang gusto ko ngayong taon na. Ano sa palagay mo Gab?’’

“Oo gusto ko ngayong taon na.’’

‘‘Ipaplano natin nang maayos, Gab. Gusto ko, lahat ay plantsado. Minsan lang tayong ikakasal kaya dapat maging memorable ang araw na iyon.’’

“Oo Dads. Pagplanuhan natin.’’

“Pagbalik natin sa Maynila, sisimulan na natin ang pagpaplano.’’

Nagsalita si Ino.

‘‘Gusto ko may papel sa kasal n’yo Bayaw, Ate. Huwag n’yo akong kalilimutan.’’

“Siyempre naman,’’ sabi ni Dado. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with