_ngayon
^

Ang Babae sa Silong (129)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

“Siyanga may balak na kayong magpa­kasal ni Ate, Bayaw?’’ tanong ni Ino makaraang itigil ang pag-aararo. Binalingan si Gab, “Totoo ba Ate?’’

Si Gab ay hindi makapagsalita. Maski siya ay nabigla sa sinabi ni Dads. Wala pa naman silang pi­nag-uusapan ukol dito. Pero sa kaibuturan ng kan­yang puso, natutuwa siya dahil mayroon na pala itong plano para sa kanilang pagpapakasal si Dado. Tatahi-tahimik ito pero meron na palang magandang balak.

‘‘Ano Ate, hindi ka na­ka­­pagsalita. Totoo ba ang si­nabi ni Bayaw na may balak na kayong magpakasal at anong sorpresa naman ang ihahatid n’yo? Ako ang na-­excite sa ibi­nalita ni Bayaw.’’

Tumawa si Gab at ingi­nuso na lang si Dado. “Siya na lang ang tanungin mo, Ino. Siya ang nakaaalam ng lahat, ha-ha-ha !’’

Binalingan ni Ino si Dado.

‘‘Bayaw, ano bang sorpresa ang sinasabi mo? Sa­bihin mo na para malubus-lubos ang kasiyahan ko. Gusto ko nang malaman kung ka­ilan kayo ikakasal ni Ate.’’

‘‘Ang totoo, hindi ito alam ng Ate mo Ino. Ako lang ang may plano nitong sorpresa. Matagal ko na sana itong gagawin pero hindi ako makatiyempo ng pagka­kataon. Pero nitong malaman ko na uuwi kami rito e napag-isip-isip ko, ito na ang magandang pagkakataon.’’

“Ano ba talaga ‘yan, Bayaw? Masyado mo akong sinasabik, ha-ha-ha!’’

Nang sulyapan ni Dado si Gab ay wala itong kakibu-kibo. Nahihiwagaan din ma­rahil sa mga ginagawa ni Dado.

Ano ba ang sinasabi ni Dado na sorpresa at tila ma­syado silang pinasasabik?

‘‘Sige sasabihin ko na. Napapansin ko, masyado nang nasasabik si Gab, ha-ha-ha!’’

“Oo nga Bayaw, sabihin mo na.’’

“Pero bago ko sabihin ang aking mga balak, mayroon muna akong ibibigay kay Gab. Ito kasi ang katibayan na talaga siya ang babaing gusto kong makasama sa buhay,’’ at saka niya sinulyapan si Gab na wala pa ring kakibu-kibo.

“Ano ba ‘yan, Bayaw?’’

“Itong ibibigay ko e lagi kong dinadala kasi naghahanap nga ako ng magandang pagkakataon…” sabi ni Dado at may dinukot sa bulsa ng kanyang pants.

Hindi humihinga sina Gab at Ino. (Itutuloy)

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with