_ngayon
^

Ang Babae sa Silong (128)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

“Yayaman ka, Ino,”   sabi ni Gab sa kapatid habang patuloy ito sa pamumulot ng mga itlog ng itik. Nakakalat ang mga itlog ng itik.

“Sana magkatotoo ang sinabi mo Ate para mabayaran ko na si Dads, este si Bayaw pala. Hindi ko nalilimutan ang utang ko Bayaw. Hayaan mo atg baka sa sunod na bakasyon n’yo rito e may ibabayad na ako.’’

“Huwag mong intindihin yun. Regalo ko na sa’yo yun, Ino. Ngayon na nakita ko ang pagsisikap mo at lubusang pagbabago, sa iyo na ang perang iyon. Huwag mo nang isipin na mayroon kang utang sa akin. Wala kang utang sa akin.’’

“Salamat Bayaw. Hayaan mo at lalo pa akong magsisikap para mapaunlad ang sarili. Si Mama nga kapag pumupunta rito ay tuwang-tuwa habang pinapanood ako sa pag-aararo. Saan daw ako natutong mag-araro e lumaki ako sa Maynila. Ang kaya ko lang daw hawakan ay computer games at kung anu-ano pang pinagkakalibangan noong araw. Sagot k okay Mama, lahat ay maaaring pag-aralan. Gaya nang pag-aararo. Mahirap talaga sa umpisa pero kung may dedikasyon na matuto, tiyak na matuto. Kailangan lang ay nakapokus at mayroong pangarap.’’

Napangiti si Gab sa sinabi ni Ino. Talagang hindi siya makapaniwala sa transpormasyon ng kapatid. Akalain ba niyang ang pasaway at matigas ang ulong kapatid ay napakatiyaga at napakasipag pala. At nakahahanga na nakapagtitiis kahit na walang kuryente at iba pang mahahalagang pangangailangan dito sa tinitirhang liblib na lugar. Isipin pa nga na lumaki ito sa Maynila at nasanay sa kaluhuan ang katawan.

“Bukas ng umaga, ipakikita ko sa inyo kung paano ako mag-araro. Dati hirap na hirap ako kung paano bubungkalin ang lupa pero nang tumagal at sa pagtitiyaga ko, natutunan ko at eksperto na ako  ngayon. Lahat nang gusto kong itanim, naitatanim ko. At bukod sa mayroon akong nakakakain, may naibebenta ako.’’

“Sige nga ipakita mo sa amin ni Dads ang husay mo sa pag-aararo.’’

‘‘Bukas ng umaga, Ate. Kailangan ay maaagang-maaga akong mag-araro para hindi abutan ng init.’’

Kinabukasan, nang magising sina Gab at Dads ay wala na sa kubo si Ino.

Nang sumilip sila sa bintana, nag-aararo na ito sa di-kalayuan sa kubo.

Pinuntahan nila.

“Ang aga mo nga, Ino. Hindi pa yata sumisikat ang araw e narito ka na.’’

“Oo Ate. Marami na akong nabungkal di ba?’’

“Oo nga. Ang husay mo nga. Ano bang itatanim mo diyan?’’

“Mais at monggo.’’

“Hanga na talaga ako sa sipag mo, Ino. Talagang aasenso ka.’’

‘‘Salamat, Bayaw. Siya­nga pala, kailan ba kayo pakakasal?’’

“Malapit na. Masosorpresa kayo.’’ (Itutuloy)

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with