_ngayon
^

Ang Babae sa Silong (127)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

HUMANGA si Gab sa kapatid na si Ino. Sa kabila na walang kuryente sa bukid at mga nakasanayan na nitong gadgets, cell phone at laptop, kuntentung-kuntento ito at ma­saya sa kalagayan.

“Puwede palang ma­buhay dito kahit wala ang mga nakasanayang gamit, Ate. Kailangan lang turuan ang sarili at magkaroon ng disiplina. Kaya kong mabuhay dito sa bukid na gamit ang ilawang de-gaas, kahoy ang gamit sa pagluluto at iba pa. Sanay na sanay na ako at maligaya ako.’’

“Natutuwa ako para sa’yo Ino. Hindi ko akalain na magkakaroon ka nang malaking pagbabago. Ang akala ko, wala ka nang pag-asa pang magbago. Salamat at nabago mo ang iyong landas – hindi ka naligaw.’’

Nagtawa si Ino.

“Baka magkaiyakan tayo, Ate, ha-ha-ha! Ang mabuti pa ay manghuli na ako ng hito para mayroon tayong ulam. Halikayo ni Dads dito sa likod ng bahay at ipakikita ko sa inyo kung paano manghuli ng hito.’’

Sumama sina Gab at Dado.

Manghang-mangha sila nang makita kung paano sagapin ni Ino ang mga hito sa katamtamang laki ng pa­laisdaan. Limang hito ang hinuli.

“Masarap ihawin ang mga ito. Sariwang-sariwa. Gagawin kong crispy ang balat sa pag-iihaw para masarap isawsaw sa sukang may sili.’’

“Type na type ko ‘yan Ino. Sana may bagong ani kang bigas para mas masarap.’’

“Oo bayaw, meron akong bagong bigas. Kaaani ko lang last week. Napakabango!’’

Inihaw ni Ino ang mga hito. Langhap na langhap ang masarap na amoy. Habang nakasalang sa baga ang mga hito, nagsaing si Ino. Nang maluto ang kanin, langhap ang bango. Halatang bagong ani.

Masarap na masarap ang kanilang lunch. Habang kumakain ay masayang nagkukuwentuhan.

Pagkatapos kumain, nag-siesta sina Gab at Dads. Nahiga sila sa sahig na kawayan ng kubo. Tumatagos ang hangin sa siwang ng sahig. Napakasarap ng sariwang hangin.

KINABUKASAN, ang pamumulot ni Ino ng mga itlog ng itik ang pinanood nina Gab at Dads. Napakaraming itlog. Iyon ang pinagkakakitaan ni Ino. Mayroon na palang buyer ang itlog ng itik na ginagawang balut at penoy.

Humanga na naman si Gab kay Ino.

(Itutuloy)

TRUE CONFESION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with