^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (123)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MASAYANG-MASAYA si Gab habang ibina­balita na may trabaho na ang bunsong kapatid. Ki­tang-kita ang kislap ng ka­li­gayahan sa mga mata nito.

“Hindi na raw ako lala­bas para maghanapbuhay. Ako naman daw at si Mama ang pagsisilbihan niya. Alam mo mangiyak-ngiyak ako kagabi habang sina­sabi niya iyon. Tapos na raw ang pagpapakasakit ko.’’

“Natutuwa ako sa mga nangyayari sa buhay ninyo Gab. Maligayang-maligaya rin ako gaya nang nararamdaman mo. Sa wakas ang mga paghihirap mo ay nagwakas na at nagka­roon na ng magandang bu­nga. Sunud-sunod pa. Sa­lamat sa Diyos.’’

‘‘Dininig ng Diyos ang lahat nang panalangin ko, Dads. Ipinagkaloob niya kaya wala akong pagsidlan sa tuwa.’’

‘‘Ako rin ba, dinalangin mo na ipagkaloob sa’yo, Gab?’’

“Oo, Dads. Baka hindi ka maniwala, mula nung saklolohan mo ako sa ba­rumbadong taxi driver, naidasal ko na sana, maging malalim ang pagkikilala natin. Nahiling ko, sana magkalapit tayo at nangyari. Kaya nga medyo nasaktan ako nang madiskubre ang butas sa sahig. Naisip ko, ganito ba ang lalaking idinalangin kong maging akin? Pero nang ma­rinig ko ang mga paliwanag mo, nawala lahat ang tampo ko sa’yo.’’

“Salamat Gab. Ako pala’y hiniling mo sa Diyos. Hindi ko sisirain ang pagtitiwala mo.’’

Hinalikan ni Dado sa pisngi si Gab.

Nang may mapansin si Gab sa sahig.

“Nasaan na ang butas, Dads?’’

‘‘Tinakpan ko na. Pina­sakan ko ng katiting na kahoy at saka nilagyan ng epoxy para sure na walang butas. Tingnan mo.’’

Tumayo sila at nilapitan ang sahig na dating may butas.

“Salatin mo, Gab.’’

Sinalat ni Gab.

‘‘Wala na ngang butas!’’ sabi nito.

‘‘Wala nang masisilip sa’yo.’’

‘‘Nasilip mo na nga lahat.’’

“Puwedeng silipin ko ngayon?’’

Tiningnan ni Gab si Dado nang makahulugan.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with