^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (121)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 ‘‘WALA ka bang balita sa asawa at anak ni Ino, Gab?’’ tanong ni Dado.

‘‘Wala akong balita, Dads. Alam mo, ni minsan ay hindi ko pa nakita ang asawa ni Ino at siyempre ang anak nila. Masyado ngang mabilis   ang pangyayari sa kapatid  ko na nakabuntis agad.’’

‘‘Nag-aaral ba siya nang makabuntis?’’

“Oo. Second year Engineering siya.’’

“Sayang ano. Dapat sana tapos na siya kung hindi nakabuntis.’’

“Oo.’’

‘‘Pero malay natin baka ang suwerte niya ay nasa bukid. Kasi parang seryoso siya sa pag-aalaga ng manok at itik. At ganundin sa pagsasaka.’’

“Yun din ang napansin ko Dads.’’

“Kaya nga hindi ako nag-atubili sa pagbibigay ng puhunan. At hindi ko na yun sisingilin sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay magkaroo siya ng pagkakakitaan at mapaglilibangan. Kung hindi natin siya tutulungan, posible siyang malulong sa bisyo.’’

‘‘Tama ka Dads. Isa pa ring pinagpapasalamat ko e hindi siya nalulong sa droga. Di ba pinaghihinalaan namin ni Briel na gumagamit siya ng shabu. Napansin ko kasi ang masama niyang ugali noong burol ni Papa na pati ikaw ay sininghal-singhalan.’’

‘‘Palagay ko problemado siya noon dahil nakatira sila sa kanyang biyenan at kapapanganak lang yata ng asawa di ba.’’

‘‘Oo. Kasi parang naiku­wento na pinalalayas siya ng biyenan dahil walang trabaho.’’

‘‘Mabuti na lang at nakapag-isip si Ino at naituwid ang buhay.’’

‘‘Oo, Dadol. At sana, sa dakong huli, magkabalikan sila ng asawa niya para naman hindi maging kawawa ang anak nila.’’

“Malay mo Gab. Baka   pagdating ng araw e bigla na lang dumating ang asawa ni Ino sa probinsiya. Wala namang imposible kapag hi-niling sa Diyos.’’

‘‘Amen. Dads.’’

‘‘Siyanga pala kumusta si Briel ?’’

‘‘Ga-graduate na siya next week. Cum laude siya.’’

“Talaga? Aba dapat magselebreyt tayo. Sabihin mo kay Briel, akong bahala sa gastos.’’

‘‘Salamat Dads. Sasabihin ko kay Briel. Matutuwa ‘yun.’’

Sumunod na linggo graduation na ni Briel.

‘‘Sabi ni Briel, sumama ka sa stage para sa pagsasabit ko ng medal sa kanya.

‘‘Sige. Lalo akong gaganahan na i-blowout siya, ha-ha-ha!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with