^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (118)

Pilipino Star Ngayon

Nagpatuloy si Dado sa pagpapaliwanag kay Gab ukol sa nadiskubre nitong butas sa sahig. Inalala ni Dado ang mga panahon na mailap si Gab na parang takot sa lalaki. Gaya nang minsan ay magtagpo sila sa bakery sa tapat ng apartment. Binati niya ito para makipagkaibigan pero sa halip na sumagot ay tumakbo papalayo.

‘‘Pero sa kabila na na­ging mailap ka, hindi ako sumuko para makipagkilala sa’yo. Kahit na ilang beses mo akong hindi pinansin sa dyipni sa kabila na ipinagbayad kita ng pamasahe e hindi ako nagalit o nagtampo man lang. Ang lagi kong iniisip, darating din ang panahon na magiging­ mabait ka rin sa akin. Po­sitibo ang pananaw ko na darating ang araw, na magiging magkaibigan tayo at baka higit pa roon.

“Hanggang sa dumating ang pagkakataon na aking hinihintay. Hindi ko malilimutan ang tagpo habang inaaway ka ng taxi drayber. Balak kang saktan ng dri­ver. Lumapit ako para tulungan ka. Natakot ang driver at umalis.

“Iyon ang simula ng ating­ pagkakaibigan – isang magandang pagkakaibigan. Mula noon, lalong naging masaya ang aking buhay dahil sa wakas, nakilala ko na ang babae sa silong. Ang matagal ko nang inaasam na makausap ka at makakuwentuhan ay nagkaroon ng katuparan. Hanggang sa magkaisa na ang ating damdamin at lalo pang naging maligaya at supersaya ang aking buhay. Wala na sigurong sasaya pa sa akin kapag ikaw ang aking kasama.

“Patawarin mo na ako Gab. Puwede?’’

Tinitigan siya ni Gab. Ma­tagal. Parang ini-screen siya.

Hanggang sa bumukal ang luha sa mga mata nito at nag-unahang du­maloy sa pisngi.

At bago pa tuluyang bumaha ang luha, yumakap siya kay Dado. Mahigpit.

Ilang segundo silang na­tahimik.

Nang umangat sa pagkakayakap si Gab, saka nagsalita si Dado.

“Hindi ka na tampo?’’

“Hindi na.’’

“Salamat.’’

“Nagulat lang talaga ako, Dads.’’

‘‘Talagang sasabihin ko na sa’yo ang tungkol sa butas at tatakpan na sana kanina pero nalimutan ko.’’

“Ilang beses mo nang nakita ang ano ko?’’

Ngumiti si Dado.

“Hindi ko na mabilang, he-he-he!’’

Kinurot siya ni Gab sa tagiliran.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with