^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (116)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT si Gab nang makumpirmang butas nga ang nakita sa sahig. Sinalat-salat pa niya ito para matiyak.

Hindi pa siya nasiyahan ay lumuhod at pinagmasdan ang butas. Dala ng kuryusidad ay sinilip niya ang butas. Gusto niyang ma­laman kung tagusan ang butas.

Idinikit niyang mabuti ang kanang mata sa butas.

Tagos ang butas!

Nasilip niya ang kama, tokador, electric fan at ca­binet ng damit. Nakita niya ang nakapatong na bag sa kama.

Hindi siya maaaring magkamali, ‘yun ang bag niya!

Ang butas ay eksaktung-eksaktong nasa tapat ng kanyang kuwarto. Nagkaroon agad siya ng konklusyon na kapag nagbibihis siya o kung anuman ang ginagawa niya sa kuwarto, kitang-kita mula rito sa taas. At wala namang ibang nakatira rito kundi si Dads.

Sinisilipan siya ni Dads?

Muli siyang sumilip sa butas. Talagang hindi siya nagkakamali, tapat ng butas ang kuwarto niya.

Gaano na siya katagal sinisilipan ni Dado? Bakit na­gawa ito ni Dado sa kanya? Ang akala pa naman niya, napakabait ni Dado. Napakadesente pasa mamboso.

Nagulantang siya nang biglang magbukas ng pinto ng banyo si Dado. Tapos na itong maligo.

Nataranta si Gab. Mabilis siyang bumalik sa pagkaka­upo sa sopa. Nagkunwaring nagbabasa ng magasin.

‘‘Bakit nagluto ka ng pansit at biko, Gab. Birthday mo?’’ tanong ni Dado nang lumabas sa banyo. Naka-shorts na ito at shirt.

Pinigil ni Gab ang sarili at sinagot pa rin si Dado sa relaks na boses.

‘‘Basta naisipan ko lang na magluto.’’

‘‘Akala ko birthday mo. Sasabihin ko na sana magselebreyt tayo.’’

Ngumiti lang si Gab. Pilit ang pagkakangiti.

‘‘Halika, kainin na natin ang dala mong pagkain. Nagutom ako dahil sa paglilinis ng sahig. Nilampaso ko. Matagal na akong ‘di nakapaglinis.’’

“Busog pa ako. Mauna ka nang kumain,’’ sabi ni Gab na nakatutok ang mga mata sa magasin.

Napatingin si Dado kay Gab.

“Saluhan mo ako, Gab. Kahit kaunti lang.’’

“Busog pa nga ako. Sige na kumain ka na.’’

Nagtataka na si Dado. Bakit nag-iba ang mood ni Gab.

Tumalikod siya at tinu­ngo ang mesa.

Nang mayroon siyang mapansin sa sahig – malapit sa butas na sinilipan ni Gab kanina.

Kinabahan si Dado!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with