^

True Confessions

Ang Babe Sa Silong (115)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang Sabado na walang pasok si Dado, naglinis siya ng bahay. Winalisan at pinunasan ang sahig. Pagkatapos punasan, nilag­yan niya ng floor wax ang sahig at saka nilampaso ng bunot.

Habang nilalampaso, nadaanan ng bunot ang nakapasak na papel sa butas sa sahig. Tinanggal niya ang papel. Mamaya pagkatapos maglinis ay lalagyan na niya ng permanenteng tapal ang butas. Ididikit niya ng epoxy ang itatapal para hindi na matanggal. Tapos na ang kanyang pagsilip sa butas. Hindi na niya kailangan pang sumi­lip sa butas para malaman ang nangyayari kay Gab. Hindi na ni­ya nana-na­kawan ng silip ang ba­baing minamahal. At kapag nagkaroon ng pagka­kataon, ipag­tatapat niya kay Gab ang tungkol sa butas. Ayaw niyang maglihim dito.

Ipinagpatuloy niya ang paglalampaso. Marumi ang sahig dahil hindi na niya naa-lagaan ng punas at lampaso. Naging busy siya dahil sa pagsama kay Gab sa probinsiya mula nang ma-stroke ang mama nito. Nang mamatay ang papa ni Gab, naging abala rin siya.

Pawisang-pawisan siya nang matapos sa paglalalampaso. Tumatagaktak ang pawis.

Nang matapos sa paglilinis sa buong kuwarto, ipinas­ya na niyang maligo. Nasa kasarapan siya ng pagsasabon nang marinig niyang  may kumakatok sa pinto.

“Sino yan?’’ tanong niya.

“Si Gab!’’

Dali-daling nagbanlaw si Dado at nagtapi ng tuwalya at saka lumabas ng banyo. Binuksan ang pinto.

May dalang pagkain si Gab.

“Nagluto ako ng pansit at biko. Di ba paborito mo ito?’’

“Oo. Gusto ko ‘yan.’’

“Halika kumain tayo.’’

“Tatapusin ko lang ang paliligo ko. Sandali na lang. Magbasa-basa ka muna.’’

“Sige.’’

Pumasok si Dado sa ban­yo para ituloy ang paliligo.

Nanatili naman si Gab sa pagkakaupo. Napansin niya ang makintab na sahig. Nalanghap niya ang bagong aplay na floor wax sa sahig.

Hanggang mapansin niya ang butas sa sahig. Nilapitan niya at sinuri-suri.

(Itutuloy)

GAB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with