^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Tinupad ni Dado ang pangako kay Ino na bibigyan ito ng puhunan para sa pag-aalaga ng manok at sa pagsisimula nito sa pagbubukid. Kaharap si Gab nang ibigay ni Dado ang puhunan na P100,000.

Tuwang-tuwa si Ino. Halos maluha-luha ito at niyakap pa si Dado sa sobrang kasiyahan.

‘‘Salamat Dads, este bayaw pala. Ipinapangako ko na hindi masasayang ang puhunang ito. Gagawin ko ang lahat para maging mabunga ang sisimulan kong project. Pagbalik n’yo rito ay maaaring may ma-kita nang progreso.’’

“Sige Ino. Ipagpatuloy mo yan. Kung magkakaproblema ka, sabihin mo lang sa akin. I-text mo lang at lulutasin natin.’’
“Salamat uli Kuya,’’ sabi nito at binalingan naman si Gab. “Ate, huwag ka nang magwo-worry kay Mama. Ako na ang bahala sa kanya.

Matulog ka nang mahimbing. Lagi kayong mag-ingat. Sabihin mo kay Briel na ipagpatuloy pa ang kanyang nasimulan. Ipaabot mo ang aking pagbati sa graduation niya next month. Kapag hindi na siya busy, dalawin niya si Mama rito.’’

Halos mapaiyak si Gab sa mga sinabi ni Ino. Sobra siyang na-touched. Nagbago na nga ang kanyang kapatid.

Niyakap niya ito nang mahigpit.

‘‘Salamat Ino. Hayaan mo at matutulog na ako nang mahimbing. Hindi na ako magwo-worry dahil narito ka na at may mag-aasikaso na kay Mama. Mag-ingat ka rin.’’

‘‘Salamat din Ate.’’

Umalis na sina Gab at Dado.

Inihatid sila ng tanaw nina Ino.

Habang naglalakad ang dalawa patungo sa highway, napakasarap ng kanilang pakiramdam. Mas lalo si Gab na para bang nabunutan ng tinik sa biglang pagbabago ng kanyang buhay.

Mahigpit siyang huma­wak sa braso ni Dado. Lalo siyang nakadama ng se- curity habang nakahawak sa lalaking minamahal nang labis. (Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with