^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (104)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Sige umiyak ka na Gab. Ilabas mo na ang luha ng kaligayahan, ha-ha-ha !’’ sabi ni Dado at ginagap ang palad ni Gab at pinisil.

Pero hindi umiyak si Gab at muling sumubsob sa balikat ni Dado. Para bang nakahanap nang matibay na sisilungan at masasandigan at lubos na magmamahal.

Marahan namang tina­pik-tapik ni Dado ang likod ni Gab.

“Alam mo Gab, inalis ko na sa isipan ‘yung minsan ay nasabi ko sa’yo na na ayaw kong humawak ng res­ponsibilidad. Iba na ngayon. Kailangan kong magmahal at ang kakambal ng pagma­mahal ay responsibilidad. Imposibleng magkahiwalay ang dalawa. Kapag nagmahal dapat maging respon­sible. At ‘yan ang gagawin ko ngayong nalaman mo na ang laman ng puso ko.’’

Hindi pa rin umaalis si Gab sa pagkakasubsob sa balikat ni Dado. Tila nina­namnam ang init ng bali­kat ni Dado.

“Ako gaano mo kamahal Gab?’’

Umangat si Gab.

Tumitig kay Dado.

“Baka hindi ka maniwala, nung una tayong magtungo rito sa probinsiya, minahal na kita nang labis. Kung maari lang magtapat ang babae sa lalaki, ginawa ko na, Dads.’’

“Bakit hindi mo ginawa e naghihintay lang ako, ha-ha-ha!’’

Tumawa si Gab.

“Hindi nga puwedeng magtapat ang babae. Nakakahiya, Dads.’’

“Paano kung hindi ako nagtapat ngayon?’’

“E ‘di maghihintay ako. Kung hindi ka pa rin gagawa ng moves e ‘di saka na ako mag-iisip nang paraan, ha-ha-ha!’’

“Mabuti na lang pala at nagpasya na ako.’’

“Hindi nga ako makapaniwala, Dads.’’

“Para kang nananaginip?’’

“Oo. Napakagandang panaginip.

Maya-maya nagyaya nang umuwi si Gab. Mainit na ang sikat ng araw sa kinaroroonan nila. At baka hinahanap na raw sila ng kanyang mama.

Habang naglalakad pauwi, masaya ang kanilang pag-uusap.

“Mayroon na akong isasagot sa mama mo, Gab – sasabihin ko sa kanya mamaya, siyota ko na ang anak niyang maganda.’’

Kinurot ni Gab sa tagiliran si Dado.

Tumakbo si Dado. Hinabol naman ni Gab.

(Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with