^

Ang Babae sa Silong (99)

Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

HINDI na tinanong ni Gab ang kanyang mama sa sinabi nitong “sana”. Ayaw niyang mag-isip muna ang kanyang mama na kare­rekober lang sa pagka-stroke. Pero may nahuhulaan na si Gab sa “sana” ng kanyang ina.

Maya-maya pa, duma­ting na ang dyipni na sinundo ng Auntie Mona ni Gab para sakyan nila pag-uwi.

Si Dado na ang nagpresenta na bubuhat sa mama ni Gab para maisakay sa dyipni.

Mangha si Gab.

‘‘Kaya mo si Mama, Dads?’’ tanong nito.

“Oo naman.’’

“Kaya ako ni Dado si­gurado ako,’’ sabi ng mama ni Gab.

‘‘O tingnan mo ang mama mo, positive na kaya ko siyang buhatin,’’ sabi ni Dado at pumorma na para buhatin ang mama ni Gab.

‘‘Sige na nga Superman buhatin mo na si Mama.’’

Binuhat ni Dado at isi­nakay sa dyipni. Naka­alalay naman sa loob ng dyipni si Auntie Mona hang­gang sa maiupo nang maayos.

Maya-maya pa, umalis na sila.

Habang nasa biyahe, sinusulyapan ni Gab si Dado.

Hanggang sa hindi na nakatiis ang dalaga. May binulong kay Dado.

‘‘Marami na akong utang sa’yo Dads. Lubog na ako. Pati pagbuhat kay Mama, inako mo na. Sa halip na ang mga kapatid kong lalaki ang gumawa nito kay Mama, ikaw itong nagsasakripisyo.’’

“Okey lang ‘yun.’’

“Makakabayad din ako Dads.’’

“Huwag mong isipin ‘yun, Gab.’’

“Hindi ko maiwasang hindi isipin, Dads.’’

“Basta, huwag mong isipin.’’

“Napakabuti mo Dads. Ikaw na yata ang pinakamabait, pinakamabuti, pinaka-humble, pinaka sa lahat…’’

“Baka marinig nila e nakakahiya.’’

“Gusto mo isigaw ko pa?’’

“Huwag!’’

“Basta napakabuti mo Dads.’’

 

ISANG umaga, nakipagkuwentuhan si Dads sa mama ni Gab. Nasa tumba-tumba ang mama ni Gab.

‘‘Napakabait mo Dado. Hindi mo pinababayaan mo si Gab.’’

“Lagi ko pong sinasabi sa kanya na kapag may problema siya e sabihin sa akin para natutulu­ngan ko siya.’’

“Sana, hindi ka magbago kay Gab, Dado.’’

“Hindi po.’’

“Napakabuti mo.’’

“Salamat po.’’

‘‘Sana, kayo na ni Gab ang magkatuluyan...’’

Narinig iyon ni Gab na noon ay nasa may pintuan ng kuwarto.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with