^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (56)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang beses sa loob ng isang buwan kung umuwi ng probinsiya si Gab. Iyon ang hula ni Dado. Natatandaan niya na nakalipas na ang isang buwan mula nang mangyari ang pakikipag-away sa taxi driver na sinakyan dahil sa paghingi ng dagdag na bayad. Tama. Natatandaan ni Dado na nag-obertaym siya noon at ang petsa ay a-uno ng buwan. Ngayon ay a-uno. Isang buwan na ang nakalilipas. Maaaring nasa probinsiya nga si Gab. Pero bakit kapag nasa probinsiya siya, e lagi namang nasa kuwarto niya ang lalaki? Iyon ang malaking katanungan kay Dado. Ano kaya ni Gab ang lalaki at humihiga pa sa kama nito na para bang prenteng-prente at walang pakialam?

Naalala ni Dado ang kagaspangan ng ugali ng lalaki nang kumatok siya sa kuwarto ni Gab noong isang araw at ito ang nagbukas. Mukhang duda sa kanya ang lalaki. Pabalibag pa nitong isinara ang pinto. Naiinis siya sa lalaki.

Kailan kaya uuwi si Gab?

Magtagal kaya ito sa probinsiya?

Para malaman at masi-guro ni Dado kung umuwi na si Gab, lagi siyang sumi­silip sa butas. Wala siyang ibang paraan para malaman kung bumalik na si Gab kundi ang sumilip sa butas.

Pero dalawang araw na siya sa kasisilip sa butas ay wala pa rin si Gab at ang lalaki pa rin ang nakikita niya sa kuwarto. Nakahiga lang at nagti-text ito.

Sa ikatlong araw ay wala pa rin si Gab. Ang lalaki ay nakita niyang saglit lang na humiga at pagkaraan ay umalis na. Pinatay nito ang ilaw sa kuwarto ni Gab.

Ikaapat na araw. Na­tuwa si Dado sapagkat pagsilip niya dakong alas diyes ng gabi ay nakita niya si Gab.

Mukhang kararating lang nito. Naka-jacket at nakapantalong maong. Hindi pa nagpapalit ng suot. Mukhang galing sa biyahe. Sigurado si Dado na galing ito sa probinsiya.

Maya-maya pa, nagpalit na ng damit si Gab.

Hindi humihinga si Dado. (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE

SILONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with