^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI gusto ni Dado ang ipina­kita sa kanya ng lalaking nagbukas ng pinto kanina. Parang duda o diskumpiyado ito sa kanya. Parang sinisiyasat siya kanina. Nagtataka marahil kung bakit hinahanap at tinatanong niya si Gab. At lalong naging mapanuri ito nang sabihin niyang mayroon lang siyang sasabihin kaya hinahanap si Gab.

Nang magpa­alam siya at tumalikod, walang anumang isinalya ang pinto para sumara.

Kaya nga nagsisisi siya kung bakit kumatok pa. Aywan ba niya kung bakit biglang naisip niya na kumatok. Gusto lang kasi niyang ma­laman kung nasa inu­upahang kuwarto si Gab. Akalain ba niyang ang lalaki pala ang naroon.

Pero nasaan kaya si Gab?

Nagtatago kaya?

Bakit?

 

NANG umuwi siya kinagabihan, sabik siyang su­mi­lip sa butas para malaman kung naroon na sa silid nito si Gab.

Hindi na siya nagpalit ng damit at agad inalis ang nakapasak na papel sa butas.

Dumapa at sumilip sa butas. Dumalas ang kaba niya.

Sumilip siya.

Nagulat siya sapagkat ang nakita sa room ni Gab ay ang lalaking nakausap niya kaninang umaga. Nakahiga ang lalaki sa kama ni Gab at tila may pinanonood sa CP nito. Abalang-abala sa pagpindot sa CP ang lalaki.

Pilit na sinisilip ni Dado kung may katabi ang lalaki sa kama. Wala!

Patuloy ang lalaki sa pagpindot sa CP. Naglalaro yata ng game at hindi nagti-text.

Nag-obserba pa si Dado.

Wala talaga si Gab.

Maya-maya, umalis ang lalaki sa kama. Nawala ito sa paningin niya. Lumabas.

Naghintay si Dado.

Hindi na bumalik ang lalaki. Maya-maya pa pinatay na ang ilaw sa kuwarto.

Tumayo si Dado mula sa pagkakadapa.

Nasaan kaya si Gab? Hindi kaya umuwi ito ng probinsiya?

Posibleng umuwi ito.

Saka binalikan niya kung anong petsa ito huling umuwi sa probinsiya.

Isang buwan na ang nakalilipas. Nasa probinsiya nga siguro.  

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with