^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hinabol ng tingin ni Dado si Gab nang bu-maba sa Quiapo ilang metro ang layo sa simbahan. Trapik sa dakong iyon ng Quiapo

Saan naman kaya pupunta si Gab?

Saka naalala niya na baka sisimba si Gab. First Friday ngayon.

Muli niyang tinapunan ng tingin si Gab pero hindi na niya ito nakita dahil napahalo na sa karamihan ng tao sa harap ng simbahan ng Quiapo.

Siguro nga ay sisimba si Gab.

Habang tumatakbo ang jeepney patungong Port Area, si Gab ang nasa isipan ni Dado. Lagi na la­mang palaisipan sa kanya ang buhay ni Gab.

Hindi naman siya ma­kapagtanong.

Pero kanina habang nag-uusap sila at tanungin niya kung single ito ay tumango lang na parang umiiwas at saka biglang tumi­ngin sa labas ng jeepney.

Bakit kaya?

Mayroon kayang inililihim si Gab at tila umiiwas?

Ang isang ikinatutuwa ni Dado ay nang sabihin ni Gab na pupuntahan siya sa room para makapagkuwentuhan sila. Siya na raw ang pupunta dahil nakakahiya ang kanyang kuwarto na maraming kalat. Hindi pa raw siya nakakapaglilinis.

Naramdaman niya na seryoso si Gab sa pakikipagkaibigan sa kanya. Walang malisya nang sabihin na siya ang pupunta sa kuwarto. Ibig sabihin may tiwala sa kanya o mapagkakatiwalaan. Siguro’y dahil sa nagawa niyang tulong noong awayin ng taxi driver. Naging “instant hero” siya kay Gab.

Ang hindi alam ni Gab, maraming beses na niyang nakita ang katawan nito. Ang itinuturing na “hero” ay bosero pala.

Nakonsensiya na naman si Dado.

Ayaw naman niyang ma-ngako na hindi na sisilip sa butas sapagkat lagi na lamang napapako. Hindi niya kayang kontrolin ang sarili. Mahina siya sa tukso. Kahit pa paulit-ulit niyang nakita ang katawan ni Gab, hindi siya nagsasawa na tingnan ito.

ILANG araw nang hindi nakikita ni Dado si Gab. Hindi na rin niya ito nakakasabay sa pagpasok.

Nang bumaba siya ng hagdan ng umagang iyon para pumasok, nakiramdam siya kung makikita si Gab. Wala.

Nasaan kaya?

Naisipan niyang kumatok sa pinto ng inuupahan nito. (Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with