^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (51)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ako naman ang magbabayad, Dado. Lagi mo na lang akong inililibre,” sabi ni Gab.

‘‘Para ‘yun lang.’’

‘‘Bawas din sa budget mo ‘yun.’’

“Maliit na bagay.’’

“Sabagay baka malaki ang suweldo mo kaya okey lang sa’yo.’’

“Hindi naman kalakihan. Tama lang sa panganga­ilangan. Hindi naman kina­kapos.’’

Napatangu-tango na lang si Gab.

Patuloy sila sa paglalakad. Malapit na sila sa España Blvd.

“Kagabi tinatawag kita pero hindi mo ako narinig,’’ sabi ni Dado.

“Kagabi? Saan?’’

“Papasok ka na sa room mo. Ginabi rin ako.’’

“Ah oo. Ginabi ako. Sorry hindi kita narinig. Pagod na pagod kasi ako Dado.”

“Mag-aala-una na yata ‘yun. Nag-obertaym kasi ako kagabi. Ikaw din?’’

“Oo. Sa sobrang pagod­ ko, pagkatapos kong mag-shower kagabi e natulog agad ako kahit basa pa ang buhok. Paglapat ng likod ko, tulog agad.’’

Napalunok nang lihim si Dado. Naalala niya ang mga nasilip kagabi sa butas. Tama ang mga sinabi ni Gab, nag-shower nga ito at natulog na. Nasaksihan niya ang lahat nang iyon. Parang napahiya siya kay Gab. Nakonsensiya na naman siya.

“Ikaw kapag galing kang OT, natutulog ka agad, Dado?’’

“Oo! Natutulog din agad ako. Kagabi pagdating ko, nahiga agad ako.’’

Napatangu-tango si Gab habang nakatingin sa kanya.

Nakarating na sila sa España.

Isang jeepney na biyaheng Quiapo-Pier ang dumating. Pinara ni Dado. Sumakay sila.

Dumukot agad si Dado ng pamasahe at ibinayad.

“Di ba sa UST ka lang ano, Gab?’’

“Hindi sa Quiapo ako.’’

‘‘Nung nakaraan sa UST ka bumaba?’’

“Oo. Pero sa Quiapo naman ako ngayon.’’

“A okey.’’

Gustong itanong ni Dado kung ano ang gagawin ni Gab sa Quiapo pero hindi niya magawa. Nahihiya siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

DADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with