^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (49)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“GAB! Gab!’’

Hindi gaanong kala­kasan ang tawag ni Dado kay Gab at baka siya ma­kaistorbo sa kala­liman ng gabi.

Pero tuluy-tuloy si Gab sa pagpasok sa kanyang inuupahang kuwarto. Hindi siya narinig marahil. Baka pagod na pagod at antok na antok si Gab.

Hindi na inulit ni Dado ang pagtawag kay Gab. Sa halip nagmamadali siyang umakyat sa kanyang inuupahan.

May kasama kaya si Gab sa kuwarto niya?

Saan kaya galing si Gab at ginabi ng uwi?

Nawala ang antok at pagod ni Dado nang makapasok sa kanyang inuupahan.

Naghubad siya ng sapatos at medyas.

Nagpalit ng suot.

Ano kaya ang ginagawa ni Gab? May kasama kaya sa kuwarto?

Hindi kayang kontrolin ni Dado ang sarili na hindi sumilip sa butas. Kahit na­ngako na siya, lagi niyang nilalabag ang pangako. Hindi niya kayang labanan ang sarili na huwag gawin ang paninilip kay Gab.

Lumapit siya sa butas. Dahan-dahang inalis ang nakapasak na papel sa butas.

Nang maalis, dumapa siya at sumilip.
Na­kita niya si Gab na nagpapalit ng damit. Hinu­bad ang t-shirt at pagkatapos ay ang bra. Ayaw sana niyang tingnan dahil nakokonsensiya siya. Kaibigan na niya si Gab. Para siyang ahas na nagtatraydor. Pero hindi niya kayang utusan ang sarili na huwag sumilip. Mahina siya. Nakita na naman niya ang maganda at buong dibdib ni Gab.

Ang pantalon naman ang hinubad ni Gab. Hindi humihinga si Dado. Kahit nakita na niya ang kabuuan ni Gab noon, madalas pa rin ang kabog ng dibdib niya ngayon.

Nang mahubad ni Gab ang pantalon, ang panty naman. Hanggang sa wala nang saplot si Gab.

Hindi kumukurap si Dado. Hindi rin siya humi­hinga.

Kumuha ng tuwalya si Gab sa cabinet at ibi­nalot sa katawan at saka lumabas. Hula ni Dado, patungo sa banyo.

Inisip ni Dado kung hihintayin pa niya ang pagbalik ni Gab mula sa banyo.

Mga 15 hanggang 20 minuto si Gab sa banyo.

Bahala na.  (Itutuloy)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with