^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (48)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MASKI nang nasa opisina na at nagtatrabaho si Dado ay si Gab pa rin ang nasa isipan niya. Lalong lumalalim ang misteryo ng buhay ni Gab at hindi niya alam kung paano ito mahuhukay.

Nasisi pa ni Dado ang sarili kung bakit hindi man lang niya naitanong kanina kay Gab kung ano ang trabaho nito. Pagkakataon na sana niya na mayroong malaman kahit na kaunti kay Gab at nang mapagtagpi-tagpi. Ang hina talaga niya! Mahinang umurirat. Nasimulan na rin lang niya ang pagsaliksik sa buhay ni Gab e ‘di ituluy-tuloy na niya.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang hindi niya na­ma­malayan ay nilapitan siya ng kanyang boss at tinanong kung puwede ba siyang mag-obertyam mamaya. May paparating na shipment at kailangang may mag-a-accept at mag-e-encode sa computer.

“Puwede po Sir,” sagot niya sa bossing.

“Bukas, kahit hindi ka pumasok, Dado. Tiyak kasing uumagahin ka sa pag-e-en­code.’’

“Salamat Sir.’’

Umalis na ang boss.

Naiwang nag-iisip si Dado.

Mabuti nga at mag-o-OT siya. Makakaiwas siyang sumilip sa silong na inuupahan ni Gab. Kapag maaga siyang uuwi ng bahay ay natutukso siyang sumilip. Hindi niya mapanindigan na huwag sumilip. Nagkakasala tuloy siya kay Gab na ngayon ay itinuturing na niyang kaibigan.

Mabait naman pala si Gab.

Dakong hapon na nang dumating ang shipment. Kailangan pala talagang masubay­bayan niya ang kargamento dahil mahaha­laga ito. Imported pa. Hindi puwedeng basta ipagbagsakan at baka masira. Kailangan ding naka-rekord agad ang mga ito.

Mag-aalas otso na nang maisaayos niya ang mga kargamento sa bodega. Naipatas nang maayos ang mga ito. Walang kulang.

Pero hindi roon nagtatapos ang trabaho niya, kailangang i-encode niya ang mga ito.

Kumain muna siya ng hapunan saka hinarap ang pag-e-encode.

Natapos niya nang eksakto alas dose ang trabaho.

Nagtaksi siya pauwi.

Pagdating niya sa apartment, nakita niya si Gab na pumapasok sa inuupahan nito. Sabay silang dumating. Nag-obertaym din si Gab? (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with